Chapter 32

105 7 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay parang gusto ko ng matulog dahil parang dinaganan ng mga elepante ang katawan ko kahit na wala naman akong ginawang mga mabibigat na gawain kanina sa eskwelahan.




"Hoy bakit sobrang tamlay mo?" Pagbungad sa akin ni ate pagkapasok ko sa bahay.




"Pagod at gutom lang talaga siguro ako ate" pagtugon ko kay ate.



"Nakung bata ka wag na wag kang magpapagutom o di kaya'y magpapagod ng sobra sa eskwelahan dahil kailangan ding magpahinga kahit saglit  lang. Pag nahospital ka nako malilintikan tayong dalawa sa nanay mo sinasabi ko sayo" Pagsuway sa akin ni ate.




"Kaya nga ate eh, mawawala siguro tong tamlay ko kung papakainin mo ako ng niluto mo" Napatawa naman si ate sa sinabi ko.


"Marunong ka talagang mambola eh noh?? Manang mana ka talaga sa nanay mo hahahahahahaha" Napangiti naman ako dahil sa sinabi sa akin ni ate.



Umupo na naman kaagad ako sa mesa at kumuha ng plato upang makakain na. Naintriga naman ako dahil sa sinabi ni ate.



"Ate pwede bang kwentuhan mo ako patungkol kay mama?? Kung ano po bang mga kwento ninyo dati" Pakiusap ko kay ate.



"Alam mo namang bunso ako sa pamilya namin kaya naman sobrang tanda na ng mama mo ngunit medyo bata pa lang ako pero sa pagkaka-alala ko  eh mabait yang mama mo bine-baby talaga ako nyan dati kasi nga ako ang bunsoy nya atsaka kamukhang kamukha mo talaga ang mama mo noong dalaga pa sya." Panimula ni ate.


Nakikinig naman ako ng maigi sa kwento nito habang kumukuha ng kanin at ulam papunta sa aking plato.


"Kaso ayon nga, ang mama mo laging sinusunod ang nanay at tatay namin pero nang tutulan nang nanay at tatay namin ang relasyon nila ng papa mo eh ayon humiwalay sa amin naglayas pero naniniwala akong nararapat lamang na naglayas sya kasi kung hindi nya ipinaglaban ang relationship nila ng papa mo di ka mabubuo and I'm sure naman  na wala syang pinagsisihan sa mga desisyon nya" Napangiti naman ako dahil sa mga sinabi ni ate.




Hindi ko alam kung pinapagaan lang talaga ni ate ang loob ko ngunit napasaya talaga ako ng mga sinabi nito. I wonder siguro kung buhay pa si papa magiging kumpleto kaming pamilya at hindi na kailangan pang magtrabaho ni mama sa abroad.




Although matagal na ang pagkamatay ni papa dahil sa cancer hindi ko pa ring maiwasang isipin kung ano nga ba ang pakiramdam ng buo ang pamilya.




Ngunit dahil sa kwinento ni ate kung papaano nina mama at papa ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan sigurado akong pinapahalagahan at mahal na mahal nina mama at papa ang bawat isa.




Matapos kumain ay hinugasan ko ang mga plato namin ni ate at nagpaalam na upang umakyat sa aking kwarto.



Pag-kaakyat ko sa aking kwarto ay kaagad akong napahiga sa aking kama. At kaagad na napatingala sa kisame ng aking kwarto.




I swear I will patiently wait for my true love to come. Gusto kong magkaroon ng magandang relasyon just like my mama and papa's love story. I was 6 years old when my father died but I knew that he really loves me and my mom. Noong namatay ang papa ko my mama was really devastated it took a lot of time for her to recover. Noong naka-recover na si mama kailangan nya rin akong buhayin mag-isa so also needs to work.





Tuwing gabing uuwi sya sa trabaho ay pinipilit nyang maging masigla para sa akin kahit na nakikita ko ang pagod at sakit sa kanyang mga mata. One night nagising ako dahil sa sobrang uhaw at may narinig akong mga hikbi na nagmumula sa kwarto ng mama ko and when I peek inside her room I saw her crying while holding papa's picture.




Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon