After ng mahabang taon at bagyo bagyong challenges, sa wakas ay gagraduate na rin kami mula sa senior high. This past few weeks ay hindi muna kami nagkita ni Rufus dahil nangako kami sa isa't-isa na magkikita lang kami pagkatapos ng final exam at dahil nga sa tapos na namin ang exam ay ineexpect ko na susulpot na lang ito ng parang kabute ngayong araw.
Si mama naman ay nakabalik na ng ibang bansa ngunit napagkasunduan daw nila ng bago nyang jowa na magiging stepfather ko na rin in the future na dito na lang sa pilipinas magpakasal. Hindi na naman umangal ang lalaki dahil half filipino naman pala ito.
"Osloooooo!!! Gumising ka na. Graduation ceremony nyo na ilang oras na lang oh" Napataray naman ako dahil limang oras pa naman bago ang ceremony ngunit itong si ate ay excited na excited dahil sya na rin kasi ang aakyat sa stage para sa akin dahil nakabalik na nga si mama sa ibang bansa. Partida nagpa-rebond tsaka nagpa-manicure pa yan kahapon dahil sa sobrang excited kasi kailangan nya daw magmukhang sosyal na tita sa pag-kaakyat nya ng stage.
"Ate maaga pa naman!!!" Reklamo ko habang nagmamadaling plina-plantsa ang toga na aking gagamitin. Actually, medyo malungkot ako sapagkat ngayong mag-cocollege na kami ay maghihiwa-hiwalay na kami next year dahil iba-iba ang napili naming mga course. Pinilit ko na lang iwaglit ang mga negatibong thoughts sa aking utak dahil kung iisipin mo naman ng mabuti ay maaaring magkaiba man kami ng kukuhaing course ngunit sa university pa rin naman kami papasok. Sa univ namin ay diretso college na rin naman kami dahil for senior high and college students ang aming paaralan.
"Bat ba madaling-madali ka jan atsaka wag ka nang masyadong mag-effort jan 10 seconds ka lang naman siguro tatayo sa stage" Sabi ko naman sa kanya.
"Tanga, baka may pogi dun tas may mabingwit pa ako nohh kailangan magpaganda atsaka ayaw mo non isipin ng mga tao yayamanin ka kasi ang awra ng ate mo lakas maka mayamang tita" Napailing na lang talaga ako sa mga kalokohan nitong ate ko.
"Chunga, puro estudyante at magulang yung aattend for sure." Napataray na lang ito sa sinabi ko.
"Baka naman may mga estudyanteng hindi mahal ng magulang kaya poging kuya na lang nila yung aattend" Napailing na lang talaga ako sa mga pinag-iisip nito.
Nabaling naman ang aking atensyon sa aking cellphone nang mag-ring ito. Kaagad ko naman itong binuksan at doon ko nakita ang group video call request ni Ofelia at kaagad ko naman itong sinagot. Nang masagot ko na ay nakita ko na sina Hanna at Ofelia na mukhang excited rin katulad ni ate dahil nakakulot na rin ang kanilang mga buhok.
"Excited na akoooo!!!!" Saad ni Ofelia.
"Tinawagan ko lang kayo para tingnan kung prepared na ba kayo!!" Dagdag pa nito.
"Di nga halatang excited ka eh." Sarkastiko kong sabi. Naputol naman ang pagtsismisan naming tatlo nang pumasok rin si Bill sa group video call na mukhang kakagising lang.
"Hoyy bat kagigising mo lang, graduation day na ahhh" Pagalit na sabi ni Hanna kay Bill. Kaagad namang tumingin si Bill sa kanyang relo at napatawa dahil sa pagsinghal sa kanya ni Hanna.
"5 hours pa naman bago yung graduation. Excited naman kayo masyado. Atsaka mabilis naman akong magbihis mga 20 minutes lang." Tinarayan naman ng dalawang babae si Bill nang marinig nila ang sinabi nito.
"Troth Bill excited masyado yung mga shutang to." Wala na namang nagawa ang dalawang babae dahil pinagtulungan na namin sila ni Bill.
"Hanna dadaan at patambay ako jan sa inyo maghahanda na ako hintayin mo ako ng mga 30 minutes." Pakyut namang sabi ni Bill.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!