Matapos ang mga nakakalokang nangyari noong nakaraang araw ay kailangan na ulit naming pumasok sa eskwelahan. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa relasyon nina Rufus, Oslo at Claire ngunit sino ba naman ako para mangialam sa mga buhay nila.Hinanda ko muna ang aking bag at gamit na dadalhin sa school dahil ayaw kong may naiiwanan akong mga gamit. Hindi na rin ako nag almusal dahil medyo nagmamadali na rin ako.
"Heyy Oslo bilisan mo dyan malelate na tayo" Nakabihis na rin si ate para sa kanyang trabaho kaya naman binilisan ko na rin ang pagkilos.
"Opo ateeee" Binilisan ko na talaga ang paggalaw at tumakbo na papuntang labas at dali-daling pumasok sa sasakyan.
Mabuti na rin at walang traffic dahil kung mayroong traffic ay talagang malelate kami sa aming mga pasok.
Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng aking paaralan kaya naman dali dali akong nagpaalam kay ate at lumabas papasok sa gate.
Medyo patakbo na ang aking paglakad at gulo-gulo na ang aking buhok. Aakyat na sana ako pataas ng building namin nang makita kong biglang magsasalubong sa daanan sina Oscar at Claire.
Dahil ayaw ko ring makasalubong si Claire dahil sa kahihiyang ipinakilala ako ni Rufus as his boyfriend ay napagdesisyunan kong magtago sa isang malapit na dingding.
Siguro ay pag nakalagpas na sya ay dadaan na din ako sa hallway. Nagmamadali akong pumasok pero hindi ko talaga kayang humarap sa kanya matapos ang mga pangyayaring naganap sa bar noong nakaraan baka mamaya sampalin na lang ako nyan o di kaya sabunutan katulad sa mga pelikula na napapanood ko.
Katulad nga ng sinabi ko ay magsasalubong sana sina Oscar at Claire pero hindi ko inaasahang maguusap sila dahil sa kwento sa akin ni Oscar na nangako sila sa isa't isa na hindi na sila magpapansinan.
Sinilip ko pa sila ng maigi upang mas makita kung nakaalis na ba talaga si Claire dahil gusto ko na talagang umakyat sa classroom.
Nagkasalubong na sana sila nang biglang hilain pabalik ni Oscar ang kamay ni Claire na ikinagulat ko naman.
"Why'd you come back? What did you come back for?" Tanong ni Oscar nang walang ekspresyon sa kanyang mukha.
Tinitigan sya nang marahan ni Claire. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa dahil sa tanong ni Oscar.
Mukhang hindi rin matiis ni Oscar na makausap si Claire dahil mukhang nabasag nito ang pangako nilang hindi na nila kakausapin ang bawat isa.
"I came back to give revenge" nakangisi nyang sabi. Nakangisi man sya ngunit kitang kita ko sa kanyang mata na may iba pa syang emosyon na dinadala.
"Who.... Who are you giving revenge to?? Rufus?? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Sarkastikong saad ni Oscar.
I was shocked by his reaction. Hindi ko pa nakikita ang ganitong side nya dahil kadalasan ay bubbly syang tao at ang pinaka intense na emotion ni Oscar na aking nakita ay ang seryoso nitong mukha. Ni minsan ay hindi ko nakitang maging sarkastiko man lang si Oscar.
"If our school and classmates find out that a student works in a bar entertaining all these women so he can earn money..... What would they think?." Mataray na saad ni Claire.
Wala akong alam sa kwento nila ni Rufus at kung bakit nya ito ginagawa siguro nga ay may nagawa sa kanya si Rufus ngunit yung rarating sa punto na sisirain na nito ang reputasyon ni Rufus ay satingin ko'y sobra-sobra na.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Подростковая литератураOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!