Matapos akong hatirin ni Rufus kagabi ay kaagad din syang umuwi. I was like floating in clouds when I got home. Nakita ko pa ngang tinatawanan ako ni ate ngunit dahil ayoko na itong magtanong pa sa kung anong nangyari sa lakad namin ni Rufus ay kaagad rin akong umakyat sa kwarto at natulog.
Pagkagising ko ngayong umaga ay kaagad akong bumaba sa sala upang manood ng cartoons sa tv. Cartoons are my thing every morning but since medj maaga ang pasok ko ay di nako nakakanood.
Nang marinig ni ate ang pagbukas ng tv ay kaagad itong pumunta sa aking direksyon at umupo sa aking tabi. "Where's mom?" Tanong ko sa kanya. "Grocery" Maikling sagot nito.
While watching cartoon i couldn't help but to smile hindi dahil sa cartoons kundi dahil sa mga kaganapan kagahapon sa katunayan wala pa ako masyadong tulog dahil pagkauwi ko kagabi ay nagdaydream at binabalik-balikan ko lang yung mga kaganapang naganap that day.
Hindi ko naman alam na ganito na pala kalalim ang feelings ko sa mokong na yon noh. Imagine, niyaya nya pa lang ako mag date paano pa kaya pag niyaya nya na ako as his lover urghhhh!
"Hey para kang baliw, bat ka nakangiti ng walang dahilan?? Pota para kang tanga" Nawala naman ako sa pagdi-daydream ko nang marinig ko ang sinabi ni ate.
"Nakakatawa kasi yung pinapanood ko" Pagdadahilan ko pa sabay taray para may conviction yung pagsisinungaling ko.
"Tanga di ka naman nanonood ng cartoon nakatulala ka lang! Hey tell me what happened yesterday bat ang ganda ng mood mo??" Biglaan nitong tanong na nagdulot ng aking pagkagimbal.
"May niluluto ka ba? Bat amoy sunog" Bigla ko namang sabi sa kanya nang bigla akong may naaamoy na parang sunog.
"Oh shit!" Harsh nitong pagmura sabay mabilisang takbo sa kusina. Nang makaalis na sya ay kaagad kong pinatay ang tv at bumalik sa aking kwarto dahil sigurado akong gigisahin talaga ako nito sa tanong kapag naabutan pa ako nito sa sala.
Nang makaakyat sa kwarto ay kaagad akong humiga at nagcellphone. Nang buksan ko ang messenger upang makipagchat sana kina Hanna ay nakita ko ang sinend na picture ni Rufus na kinuhanan nya kahapon.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita ko ang litrato. Goddamn ang sarap pala ng feeling kapag may special someone ka?? Hindi ko napapansin napapangiti na lang ako kahit saan at kahit anong ginagawa ko.
Nagulat naman ako nang biglang may humablot ng cellphone ko. Pagkakita ko ay titingnan na sana ni ate ang imahe sa aking cellphone ngunit kaagad akong nakipag-agawan.
"Ano ba kasi to? Bat mo ba pinakatatago?? Pumunta lang ako saglit sa kusina umalis ka na agad?" Hingal na hingal nitong tanong habang nakikipag-agawan pa rin sa aking cellphone.
Bigla naman itong tumakbo papuntang sala kaya naman hinabol ko rin sya papunta rito. Nang mahabol ko sya ay nakita kong nakita nya na ang picture.
"Picture nyo lang naman pala kahapon ni Rufus pero kung makipag-agawan ka parang nakasalalay sa buhay mo tong pic" Dinaganan ko naman sya nang magtigil ito sa pang-aasar sa akin ngunit mas lalo lamang itong humalakhak.
"Magkwento ka na kasi kung anong nangyari kahapon. Di ko naman ipagkakalat, feeling celebrity ka naman masyado mahilig magtago ng lablayp" Pang-aasar pa nito sa akin.
Dahil sa sobrang annoyed na ako kay ate ay napagdesisyunan kong ikwento ang lahat ng nangyari --- pero syempre sa di detalyadong paraan.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!