Jhazmine's POV
Nasa Baguio kami ngayon dahil mayroong retreat ang aming Church. Magsisimula palang ang fellowship at nasa labas ako.Sobrang sarap ng hangin, sobrang lamig at sariwang sariwa. "Eto ang hinahanap hanap ko sa Manila" Ayan nalang ang nasabi ko sa aking sarili. Malalim ang aking pag iisip ng mga bagay-bagay nang biglang.......
"Bilog, ikaw raw mag lead ng prayer" narinig kong pagtawag saakin ni Ate Tine.
Nilingon ko s'ya, nakita ko s'yang nakangiti saakin. Tumango ako at sumunod sakanya. Pumasok kami sa loob ng hall at doon na ako nagsimulang magdasal, pagkatapos ko magdasal ay nakinig na rin ako sa preaching ni Pastor.
Pagkatapos ng aming fellowship ay kumain na kami at dumeretso ako sa labas upang maupo, masyadong masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin sa Baguio kaya pabalik balik ako sa pwesto na 'yon. Malalim ang pag iisip isip ko sa mga bagay bagay, minsan ay sumusobra pa ako dahil kahit mukha akong mababaw mag isip ay matatawag na akong matured ng mga tao.
Habang nag iisip ay napatanong ako saaking sarili, paano kung hindi ako parte ng grupong ito, ano kaya ang buhay ko ngayon? Paano nalang kung hindi ko nakilala ang Panginoon, ano kaya ang takbo ng buhay ko? Napakaraming paano ngunit sa huli, naisip ko na swerte parin ako dahil tama ang aking tinahak at patuloy na tatahaking landas.
"Hi bilog, mag isa ka ata?" Ani Kuya Sean.
"Masyadong masarap ang hangin para hindi sulitin kuya." Sagot ko.
Dito ko lamang nakilala si Kuya Sean sa Retreat, sobrang bait n'ya at tulad ko, madaldal din.
"Medyo curios ako sa'yo, magkwento ka naman tungkol sa buhay mo. Kwentuhan mo ako kung paano ka naging Kristiyano." Nakapako ang tingin n'ya saakin nang marinig ko ang sinabi n'ya, agad ko s'yang nilingon at nagsimula akong magkwento.
"Iba ang religion ni mama at papa sa'kin. Ako lang ang Born Again Christian sa pamilya. Nung bata ako, katoliko talaga ako, pero nung lumaki ako, nagpabaptismo ako sa Kristyano. Nung bata rin ako, pumapayag na sila mama na mag VBS ako sa church ko noon, kumbaga matagal na talaga ako sa church namin pero hindi ako active. Ngayong lumaki lang ako naging active, siguro mga 14 years old ako? Oo gano'n. Tapos June 2, 2019 ako na baptized, birthday ng Papa ko kaya tandang tanda ko hahahaha." Ani ko.
"Nice, ang ganda pala na nag simula ka ro'n noong bata ka pa" Sabi ni kuya Sean.
Lingid sa kaniyang kaalaman na mas marami pa ang magandang nangyari saakin noong ako'y bata pa lamang. Ano kaya masasabi ni kuya Sean kapag nalaman n'ya, hmmmmm.......
To be Continued.........
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!