CHAPTER 4 - Part 1

9 3 0
                                    

*KINABUKASAN*



*BEEP BEEP, BEEP BEEP*



(Oh alarm 'yan hindi busina HAHAHAHA)



Nagising ako sa alarm ng Cellphone ko. 'Umaga na, ambilis naman, anong oras na ako nakatulog kakaisip e.' Ayan na lamang ang nasabi ko sa sarili ko.




Tumayo ako at inayos na ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo para maligo. Nang tapos na lahat ay lumabas na ako dala-dala ang mga gamit ko at pumunta sa area na kung saan sabay sabay kaming mag aalmusal ng mga ka churchmate ko.




"Anong oras daw po tayo uuwi? Tanong ko kay kuya Aron.



"Mamaya raw 9am after ng last meeting, bakit uwing uwi kana?" Natatawang tanong n'ya.




"Kung ako tatanungin hindi na kamo ako uuwi hahahahaha" natatawang sagot ko.



"Gusto mo iwan ka nalang namin dito? Hahahahaha" Natatawang sabi n'ya ulit.




"Pasaway ka kuya hahahahaha, tabi nga d'yan, ambagal mo kumuha ng pagkain gutom na ako" sinagi ko s'ya para makakuha ako ng pagkain.




Sabay kaming natawa, para talaga kaming magkapatid. Parehas kaming singkit, parehong sumasayaw , parehong miyembro ng Praise and Worship Team,parehong payat pero matangkad s'ya tapos ako naman maliit. Ganito kami magbiruan pero sobra naman n'ya ako kung protektahan, swerte ako na nakilala ko s'ya at alam kong gano'n din s'ya hahahahaha.



Bumalik na kami sa aming pwesto at nagsimulang kumain. Binigyan lamang kami nang kalahating oras upang kumain pagkatapos ay pinapunta na kami sa social hall para sa last meeting.



Pagkatapos ng meeting ay kanya kanya na nagsisakayan ang campers sa mga service nito. Ngunit ako, naiwan sa labas ng social hall dahil may napulot akong wallet pero hindi ko alam kung kanino. Nagbabakasali ako na may taong babalik doon dahil nang tingnan ko ang wallet ay wala akong nakitang i.d, pera lamang ang laman no'n at malaking halaga pa.



*Flashback*

"AaAaaAahhhh mama tama na po" Nakikiusap na sabi ko habang umiiyak nang malakas pagkatapos ako palo paluin ng hanger ni mama sa katawan. Ramdam ko ang sakit at kita ko na rin ang piraso ng mga hanger na nakakalat sa sahig.



"SINO NAGSABI SA'YONG KUMUHA KA NG LIMANG PISO SA WALLET KO NANG HINDI NAGPAPAALAM?" Sigaw n'ya saakin pagkatapos ay pinalo akong muli.



"hindi ko na po uulitin mama, tama na pooo" sumisigaw na ako sa pagmamakaawa ngunit hindi parin n'ya ako tinitigilan sa paghampas.


isa.....dalawa.....tatlo.....



Nang hindi na makapalo ang hanger dahil bali bali na ito, doon lamang tumigil si mama sa pagpalo. Rinig ko ang hikbi ng aking sarili kasabay ng pagsara ng pinto ni mama.


*Klaaaak*



Bumukas ang pinto at pumasok si papa sa kwarto. Dali dali akong tumayo at yumakap sakanya, doon ko binuhos ang sakit na kanina ko pa nararamdamn sa pagpalo ni mama.



"Shhh, tahan na anak. Mali naman kase ang ginawa mo. Mali na kumukuha ka ng mga bagay na hindi naman iyo. Nagalit lang si mama dahil ayaw n'yang lumaki ka sa ganiyang paraan. Mali 'yon ha? 'wag mo na ulitin kundi mapapalo ka ulit." Sabi ni papa sabay yakap din saakin.



"H-hindi n-na po b-ba a-ako mahal ni m-mama?" Humihikbing tanong ko kay papa.




"Anak mahal ka ni mama, pero gusto n'ya lang matuto ka. Kung hindi ka n'ya papaluin at lagi lang idadaan sa salita, baka hindi ka matuto. Nagawa lang 'yan ni mama para hindi mo na ulit ulitin. Mahal ka namin, kaya 'wag mo na ulit uulitin, okay?" Ani papa.




Tango na lamang ang naisagot ko at doon ko na naramdaman ang unti unting pagpikit ng mga mata ko.


*END OF FLASHBACK*

10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now