CHAPTER 6 - Part 3

6 3 0
                                    

Nagising ako nang naramdaman kong tumigil ang sasakyang sinasakyan namin. Hindi naman mainit dahil aircon ang van. Sobrang traffic pero wala pa naman kami sa Manila, pakiramdam ko nga parte parin ito ng Baguio.




"Hala bakit kaya traffic?" Sambit ko.




"May holdapan daw na naganap kanina d'yan palabas ng Baguio" Tugon ni ate Yvette.




"Hala grabe talaga nga tao ngayon, hays. Sa sobrang tindi ng pangangailangan gumagawa nalang ng kasalanan para mapunan 'yon, bakit hindi sila magtrabaho nang mas masarap kinakain nila knowing na galing sa sariling dugo at pawis nila galing 'yon?" Ani Charisse.




Pinakinggan ko na lamang sila sa kanilang kinukwento, imbes ba sumabat ay natulog nalang ulit ako dahil mahaba pa naman ang byahe.




*Sa bahay*

Pagbaba ko sa sasakyan at agad akong dumeretso papasok ng bahay. Sinalubong ako ng aking aso at pusa. Esang ang pangalan ng aso ko at Hoy naman ang pangalan ng pusa ko. Parehas silang malambing at sobrang close nila sa isa't isa.




"Hello babies, namiss n'yo ako?" Niyakap ko ang dalawang hayop at pinaghahalik halikan naman nila ako.




"Anak nakauwi kana pala" sabi ni papa.



"Kakapasok lang po ng bahay, Pa. Lumapit ako sakanya at nagmano.




"Kumain kana muna at magpahinga, masyadong malayo pinanggalingan mo" sabi n'ya.



"Opo" tugon ko.



Sinunod ko ang sinabi ni papa, at tulad ng nakasanayan ko, bago natulog ay nagmumuni muni muna ako. Doon ko napagtanto na sobrang laki pala talaga ng impact ng nga aksyon ni mama nung bata pa kami. Sobrang nadala ko sa pagtanda lahat ng tinuturo nila. Mas naiintindihan ko na si mama ngayon, jung bakit n'ya ginawa 'yon. Gusto n'ya masanay kami kung paano nagpaalam at huwag kumuha ng bagay na hindi namin pagmamay ari. Sobrang binago ng mga leksyon na iyon ang buhay ko at sobrang nagpapasalamat ako dahil doon.





(2) DO NOT GET WHAT ISN'T YOURS.

10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now