* TOK TOK TOK*
Masyadong malakas ang pagkatok na iyon sa pintuan ng bahay, Akala mo masisira na ang pintuan ng bahay.
"Magandang uma-"
"SINO KA PARA SAMPALIN ANG ANAK KO!?" Galit na sigaw saakin ng ginang. "AMBATA BATA PA NETO PINAPATULAN MO E MAY ISIP KANA!? HINDI KA BA NAG AARAL!?" pagdadagdag n'ya.
"Tinanong n'yo ho ba ang anak ninyo bago n'yo ako sugurin dito?" Mahinahon at magalang na pagtatanong ko sakanya. Halata sakanyang mukha ang pagkabigla ngunit nagpatuloy parin siya sa pagsasalita.
"BAKIT MO SINAMPAL ANG ANAK KO? HINDI KA BA TINURUAN NG RESPETO NG MGA MAGULANG MO!?" Sa pangalawang pagkakataon ay sinigawan n'ya ako.
Lingid sa kaalaman ng nakakarami na isa sa pinaka ayoko sa lahat ay ang sinisigawan ako. Alam kong medyo magkakamali ako ngunit sinagot ko ang ginang.
"Mawalang galang na ho ginang, ngunit mukhang kayo ang hindi nakakaalam kung ano ang respeto. Una, sumugod kayo rito nang hindi inaalam sa anak ninyo ang tunay na nangyari. Pangalawa, Sinisigawan n'yo ako sa sarili kong teritoryo at pangatlo, tinuruan ako ng magulang kong rumespesto pero kung katulad mo lang din ang makakaharap ko, mapipilitan akong mawalan ng respeto." Sabi ko.
"Lingid ho sa kaalaman ninyo kung ano ang tunay na nangyare. Maaari niyo akong tanungin muna bago ako sigawan." Dagdag ko pa.
"OH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?" tanong niya saakin.
Hirap kumausap nang mababaw ang pag intindi, tch. Paulit ulit.
"Umalis na ho kayo rito dahil nakakabulabog lang kayo." Sagot ko. "Tanungin na lamang ho ninyo ang anak ninyo kung ano ang nangyari at pakituruan na rin po ng magandang asal at kung paano rumespesto, Magandang Umaga." Dagdag ko.
Napapahiya silang umalis sa harapan ng bahay. Hindi ko na mapigilan ilabas ang luha na kanina pang nagbabadyang tumulo pero pinipigilan ko dahil gusto kong mag mukhang matapang.
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!