Jhazmine's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto.
Wait, SINAG NG ARAWWWW? HALA ANONG ORAS NA? HINDI NILA AKO GINISING KAGABI? AISH, HINDI BA NILA ALAM NA WALA PA AKONG KAIN SIMULA TANGHALIA KAHAPON?
(〒﹏〒)
BAKIT HINDI NILA AKO GINISING? HINDI NA BA NILA AKO MAHAL? HUHU.
Gutom na ako.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at hindi nga ako nagkakamali, alas otso na nang umaga. Ang haba naman ata ng tulog ko? Parang buong araw lang din ako tulog sa byahe kahapon ah? Sabagay, antukin nga pala akong tao, tch.
Pagbaba ko ay dumeretso ako sa kusina. Nakita kong nagbabasa ng dyaryo si papa at may nakatimpla ng gatas sa harap n'ya.
"Inumin mo 'yang gatas at kumain kana rin ng kanin, hindi na kita ginising kagabi kase mukhang pagod na pagod ka." Ani papa.
Tango lamang ang tanging naisagot ko at nagsimula na akong kumain. Naninibago ako, hindi ako sanay na ganito ang atmosphere sa bahay. Sobrang madaldal si papa, hindi s'ya ganito, may problema ba?
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain dahil mukhang wala talaga sa mood si papa.
Pagkatapos kumain ay pumunta akong sala at binuksan ang tv. Tumabi saakin si Hermione, ang napakagandang pusa ko na dalawa ang kulay ng mata. Kulay asul sa kabila at dilaw naman sa kanan. Sinunod ko ang pangalan n'ya sa isang character ng Harry Potter, ang cute lang hahahahaha.
Masyadong mabalbon si hermione, sa tuwing kakarga s'ya saakin ay naiiwan ang ibang balahibo n'ya sa damit ko. Hindi ko maiwasang bumahing nang bumahing, ansakit sa ilong. .
Umakyat ako sa kwarto at doon patuloy na bumahing, habang tumatagal ay sumisikip nanaman ang dibdib ko hanggang sa.....
*flashback*
"Bilog please, 'wag kang bibitaw, malapit na tayo. Tatagan mo loob mo, kaya natin 'to." Mangiyak ngiyak na sabi ng kaibigan ko.
Nakasakay kami ngayon sa ambulansya at ramdam ko na ang pagbagal ng paghinga ko, gusto ko na pumikit kaso pinipigilan ako ng kaibigan ko.
Parang timang s'ya kase hindi pa naman ako mamamatay pero bakit umiiyak? tss.
Pagkarating namin sa Hospital ay agad akong dineretso sa emergency room. Wala pang limang minuto ay may nakakakabit na saaking oxygen, medyo umaayos na ang paghinga ko.
"Ano bang nangyari sakanya?" Tanong ng doctor.
"Recess time po kase no'n, hinahabol ko s'ya habang pataas kami ng 4th floor nang biglang natumba nalang po s'ya. Sabi n'ya nahihirapan na raw po s'yang huminga kaya tinulungan ko na s'ya makatayo tapos sinugod ko sa clinic ng school. Kaso ubos na raw po ang oxygen kaya napagdesisyunan po na dalhin na s'ya rito" mangiyak ngiyak na pag papaliwanag ng kaibigan ko.
"Ganoon ba? Sige miss samahan mo muna s'ya at ko kontakin namin ang mga magulang n'ya" sagot ng Doctor.
"Salamat po, doc." Tugon ni Eds.
Nakatingin si eds saakin na mukhang naiiyak pa habang ako naman ay tinapunan lamang s'ya ng tingin nang walang mababasang ekspresyon sa mukha ko.
TO BE CONTINUED..........
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!