CHAPTER 13 - Part 1

3 3 0
                                    

Pagkatapos ko kausapin si mama ay dumeretso ako sa kwarto ni ate.

Wala nang sabi sabi at binuksan ko iyon.


Tumakbo ako papalapit sakanya pagkatapos ay niyakap s'ya.

"Ate sorry naaaaa, hindi ko naman sinasadya 'yon e." Umiiyak na sabi ko.

"Umalis ka nga d'yan, para kang baliw, ano ba nangyayare sa'yo?" Tanong n'ya saakin.

"Ha? Baket? Tanong kom

"Nagsosorry ka saan?" Masungit na tanong n'ya naman pabalik saakin.

"Kase ansungit ko kanina tapos nagalit kaagad ako, sorry na kaseeee." Pagmamakaawa ko.


"Tss, abnoy. Ako nga dapat magsorry kase kinain ko pagkain mo ng walang paalam. Sa susunod 'wag mong iwanan pagkain mo sa baba, ke liit liit na bagay pinag aawayan, tabi nga d'yan." May kinuha s'yang isang box na maliit sa likuran ko kung nasaan ang lagayan n'ya ng mga libro.



"Oh, para sa'yo 'yan" sabi n'ya saakin.


"Ha? Para sa'kin? Eto?" Turo ko sa box na nilapag n'ya sa harapan ko.

"Ay hindi, baka para sa'kin 'yan 'no?" Pamimilosopo n'ya.

"HALAAAAA ANO LAMAN NETO?"

"Buksan mo nang malaman mo, tsaka 'wag ka ngang sumigaw, ang ingay mo." Sabi n'ya.

"Salamaaaaaaat, salamaatttt , salamaaaat" natutuwang sabi ko sabay yakap sakanya.

"Ingatan mo 'yan, napapansin kong lagi ka nalang umiiyak. Mas maganda kung lagi mo 'yang suot, mahal kita, lumabas kana at maglilinis pa ako." Sabi n'ya saakin.

Tch napakasungit.

Lumabas ako ng kwarto n'ya at bumalik sa kwarto ko. Gusto ko ng buksan, naeexcite ako.

10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now