"Bilog, may nakita ka bang wallet na brown tapos may star sa harap? Nawawala kase wallet ko, malaking halaga laman no'n" Tanong ni Ate Jessa.
"Magkano po laman ate?" Naniniguradong tanong ko.
"11k kase laman no'n e, pambayad ng tuition ko 'yon, malalagot ako pag uwi." Natatarantang sabi n'ya.
"teka lang po" linabas ko ang wallet at binilang kung ilan ang laman at tulad nga ng sabi ni ate jessa, may star ang wallet at may laman na 11 thousand pesos.
"Eto po ate, napulot ko po 'yan sa loob kanina, ingatan n'yo na po sa susunod" nakangiting abot ko sakanya ng wallet.
"Salamat bilog, kung hindi dahil sa'yo baka napagalitan pa ako." Mangiyak ngiyak na sabi n'ya. "Sige na sasakay na ako sa service namin, ikaw rin ha? Magingat kayo sa pag uwi." Sabi n'ya sabay yakap sa'kin.
"Sainyo rin po, babyeeee" niyakap ko s'ya pabalik at sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan.
Pag upo ko saaking pwesto ay sinuot ko ang earphone ko at nagsimulang magplay ng music.
To be continued~
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!