*KINABUKASAN*Nandito ako ngayon sa SuperMetro. Hinihintay ko si ate Nikke kase may lakad kami.
Lagi talagang late sa galaan, tch.
Habang tumatawid ako sa Kalsada ay may nakita kong isang kuting sa gilid ng halaman. Hala amg cuteee, omoooo gusto ko iuwi.
Hindi pa ako nakakatawid ay bigla nang umambon. Dali dali kong kinuha ang kuting at isinilong ko sa payong ko. Gusto ko man s'ya iuwi, pero hindi pwede.
Bakit hindi pwede? Simple lang, may collar s'ya. Ibig sabihin may may-ari sakanya. Minsan na rin akong nawalan ng pusa kaya alam ko ang pakiramdam na mawalan.
Makalipas ang kalahating oras ay wala pa si ate nikke. Tumila na ang ulan kaya sinara ko na ang payong ko. Sa kabilang tawid ay nahagip ng mata ko ang isan lalaki na tila may hinahanap.
Nang mapansin n'ya na nakatingin ako sakanya ay alam ko na kaagad na ipinako n'ya saakin ang mga mata n'ya. Nakita kong unti unti s'yang lumapit sa'kin.
"Ah miss, pwede ko bang malaman kung saan mo nakuha yung pusa mo?" Tanong n'ya saakin.
"Ahh eto ba? Nakita ko lang s'ya d'yan kanina sa tawid, naawa ako kase umaabon kaya kinuha ko para mapayungan ko, baka kase magkasakit." Sagot ko.
Hindi ko tinanong kung sakanya ba yung pusa na hawak ko dahil gusto ko na siya mismo ang magsabi saakin.
Antaas naman ng pride neto, uso magtanong, tch.
To be continued~
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!