Ilang oras na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi parin sila tapos mag usap. Bakit antagal naman ata?
"Nak" tawag saakin ni papa.
"Po?" Sagot ko.
"Sino sino kasama mo at anong meron?" Tanong ni papa.
"Mga kaibigan ko po papa tapos pamilya po nung kaibigan kong magdedebut" sagot ko.
"Gano'n ba? Sige. Basta ihahatid sundo kita. Mahirap na sa kalsada ngayong panahon." Sabi ni papa.
"Talaga po? Salamat papaaaa." Para akong timang na tumalon talon pa. Ito ang unang beses na pinayagan ako sa gano'n okasyon lalo na't gabi pa gaganapin.
Grabe, parang hindi ako makakatulog sa sobrang saya. AaaAaAaaa hindi ko alam, tch.
Lumabas ako ng bahay para bumili ng pancit canton, ewan ko ba pero parang nagke crave ako.
"Pabili nga po pancit canton, yung sweet and spicy." Sabi ko sa tindera
"Ilan?" Tanong n'ya.
"Dalawa po, salamat" sagot ko.
Paguwi ko ng bahay ay agad kong niluto ang pancit canton.
Iniwanan ko 'yon sa lamesa pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang earphone ko.
Dali dali akong bumaba ulit at laking gulat ko ng makita ko ang ate ko na kinakain ang niluto ko.
"Luh ano ba 'yan paepal naman." Sabi ko sakanya sabay lumapit ako.
"Ay iyo ba 'yan? Bakit kase nand'yan lang?" Pagtatanong n'ya nang pagalit pa.
"Oh sino nagsabi sa'yong kainin mo? Nangengealam ka kasi ng hindi iyo. Tabi nga" ani ko.
"Ikaw napaka attitude mo, pwede mo naman akong kausapin nang maayos"
"Ikaw ang hindi saakin kumakausap nang maayos, ate."
"Ganiyan na ba talaga ugali mo?" Tanong n'ya.
Dito nanaman ba kami magsisimula? Away nanaman? Tch.
To be Continued......
see u in the next chapter!!
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!