"HANGGANG KAILAN MO BALAK ITAGO SAAMIN 'YANG SAKIT MO? BAKIT NUNG TINANONG NAMIN SABI MO AYOS LANG YUNG CHECK UP MO?" Si tito.
Nagising ako sa malakas na sigaw na tito. Pagkatapos n'ya magsalita ay agad kong tiningnan si bilog, nasasaktan akong makita na tuloy tuloy ang pag agos ng luha galing sa mga mata n'ya.
"sorry pa, ayoko lang dumagdag sa isipin n'yo." Sagot ni bilog.
Napahilamos nalang ng mukha si tito.
"Kumain na kayo." Pagkatapos magsalita ay lumabas na s'ya ng kwartong iyon.
Dali dali akong lumapit at niyakap si bilog.
Naiintindihan ko ang nararamdaman n'ya at alam kong masakit para sakanya.
Hindi s'ya tumitigil sa pag iyak, tss crybaby talaga.
"Shhh, wala kang kasalanan okay? Iniisip mo lang sila." Ayun nalang ang naging tugon ko pagkatapos ay kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya.
*End of Flashback*
Jhazmine's POV
Habang gumagamit ng inhaler ay naalala ko ang pangyayaring iyon. Hindi ako naging open sa magulang ko noon, nadisappoint ko na sila pero ko namang inasahang magiging ganoon.
Sila parin naman ang iniisip ko nung mga panahon na iyon. Pero tanggap ko naman na may mali ako, kaya ngayon napagtanto ko na may okay na malaman nila kaysa hindi dahil sa huli, sila parin naman ang masasandalan ko, dahil bukod sa magulang ko sila, sila rin ang nag aaruga saakin.
(3) BE OPEN TO YOUR PARENTS
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!