Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ko.
Grabe ang bilis mag umaga, parang kulang pa ako sa pahinga.
Bumangon ako at naghilamos. Dumeretso ako sa hardin kung nasaan ang mga tanim ko. Masyadong masarap ang init na nagmumula sa araw ngayong umaga. Maya maya pa ay nagdilig ako ng mga halaman ko.
Ang gaganda at babango n'yo.(。♡‿♡。)
"MEOWWWWW" Teka si Hermione (pangalan ng pusa ko) 'yon ah.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog ng pusa ko dahil mukha s'yang nanghihingi ng tulong.
Nagulat ako sa nasaksihan ko. Nakita ko ang pusa ko na inaapakan ng isang bata. Mabilis akong lumapit at .........
*PAKKK*
Sinampal ko ang batang umaapak sa pusa ko.
Hindi ako nagalit at nag react nang ganito pero tumaas ang galit sa ulo ko dahil sa nasaksihan ko.
Ansakit.
Dali dali kong kinuha ang pusa ko at niyakap. Pumasok ako sa loob ng bahay para i comfort s'ya.
Pusa ko nalang ang meron ako sa tuwing niyayakap ako ng kalungkutan. Hindi ko napansin na basang basa na ang aking pisngi sa luha na nanggagaling sa mata ko. Sobrang nasasaktan ako.
Pinatulog ko si Hermione sa hita ko habang nakayakap ako sakanya.
Ang aga aga, ang pangit ng bungad saakin.
Patulog na rin ako nang biglang........
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!