CHAPTER 2- Part 2

9 4 0
                                    


"gusto mo ba ng kape? Mas masarap magkwento kapag may kape, teka kukuha ako, hintayin mo ako." Tumango ako sakanya.





Pumasok s'ya sa Retreat House habang ako ay naghihintay lang na bumalik s'ya.




Makalipas ang ilang minuto ay bumalik s'ya at tulad nang kanyang sinabi, may dala nga s'yang kape.





"Thankyou kuya" sabi ko.




"Walang anuman, tuloy mo ang kwento." Sabi ni kuya Sean.





" Ayun na nga, sobrang active ako sa church. Pero ngayong nag senior high, sobrang naging busy ko, pero hindi naman ako nakakalimot sa Diyos. Hindi ko man lahat matandaan ang mga answered prayer ko, pero tumatak naman sa puso ko kung paano ako naging masaya nung mga panahon na 'yon." Sumimsim ako  ng kape at tinapunan s'ya ng tingin pagkatapos ay ngumiti ako.



"Ang ganda ng ngiti mo habang nagkekwento, halatang nagsasabi ka ng totoo." Ani kuya Sean.




"Totoo nga kase kuya HAHAHAHA alam mo ba na sa lahat ng aksyon na ginagawa ko, ang pinakamahalaga saakin ay ang pagdarasal. Bata palang kase ako, lagi na sinasabi ni mama na 'Pray first, then make it happen' kaya dala dala ko hanggang sa lumaki." sabi ko.

Sumimsim ako ng kape at nagpatuloy sa pagkekwento.



"Hanggang sa eto na ako ngayon, alam ko sa sarili ko na mabuti akong anak sakanila, ramdam ko at alam kong ramdam din nila." Natutuwang sabi ko



Grabe na pala yung ngiti ko habang nagkekwento.


10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now