Bata pa lamang kami ni ate lagi na kaming nag aaway. Hanggang ngayon naman, walang bago."Manunumbat ka nanaman? Sige lang." Sagot ko.
Sinuot ko ang earphone na kinuha ko sa taas. Tinodo ko ang volume at nagsimula na akong kumain. Nakita ko nalang na umalis na si ate sa harap ko. Hinayaan ko nalang.
Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko, hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko.
Sanay na akong nag aaway kami ni ate pero bakit ganito? Tch abnoy.
Umakyat ako sa taas para gumawa ng Activities ko nang makita kong bukas ang pinto ni ate.
Papasok na sana ako pero narinig kong may kausap s'ya kaya pumasok nalang din ako sa kwarto ko.
Makalipas ang ilang oras ay natapos ko na rin ang isang module ko sa isang subject. Medyo mahirap kaya natagalan ako pero okay lang naman hahahahaha.
Nagpapatugtog ako ng music nang biglang......
*RINGGGGG RINGGGGG*
MAMA'S CALLING.......
"Hello ma?"
"Haluuuu, kumain kana nak?"
"Opo kanina pa, kakatapos lang po gumawa ng module"
"Okay. May nagsumbong nanaman saakin ha, ano nanaman nangyare sainyo ni ate mo?"
"Eh kase s'ya na nga kumain ng pagkain ko, s'ya pa may ganang magalit."
"Umayos kayong dalawa, hindi ko kayo tinuruan nang ganiyan. Yung respeto n'yo nawawala ha."
"Sorry po, mama"
"Ayusin n'yo 'yan, sige na nay trabaho pa ako, Iloveyou"
"Ingat po, Iloveyoutoo."
Napagtanto ko na may mali pala talaga kami pareho. Sana pala talaga hindi namin pinapalaki ang maliit na gulo. At the end of the day, kami pa rin ang magkapatid at kami lang din ang matutulungan.
(4) BE RESPECTFUL
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!