Itim na kulay , may magandang balot at branded ang box na binigay saakin ni ate.Hindi ko na kailangan tanungin dahil alam ko na kung ano ito pero hindi ko pa ito nakikita. Para akong timang dahil dahan dahan ko pang binuksan ang kahon.
ISA.......
DALAWA.......
TATLO.......
Hindi ko alam pero nang oras na makita ko ang laman ng kahon ay hindi ko mapigilan mapaluha.
Papaaano nalaman ni ate na gusto ko nito?
Teka, naalala ko na......
*Flashback*
"Iiyak ka na nga lang, dito pa sa labas, sana sa kwarto mo na lang ikaw umiyak." Narinig ko ang boses ni Ate.
napaka kontrabida kahit kailan tch.
"Oh ano ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ko.
"Dinalhan ka ng unan" sagot niya.
Nilingon ko s'ya at totoo nga, may dala nga siyang unan.
"Para saan 'yan?" Tanong ko.
"Masarap pagmasdan ang buwan kapag maayos mong nasisilayan, yung hindi ka masyadong nahihirapan." Sagot niya. "Kanina pa kita tinitingnan sa bintana, para kang tanga na nakatingala, mamaya mabali pa leeg mo d'yan, oh eto unan" binato n'ya ang unan saakin pero...
"BOOM SAPUL" Tumawa s'ya pagkatapos sabihin ang salitang iyon.
Tinamaan ako ng unan sa mukha, tch parang sira talaga.
Humiga kami pareho sa bermuda grass, hindi naman umulan kaya hindi basa.
"Ano ginagawa mo rito?" Tanong ni ate.
"Umiiyak na parang tanga habang nakatingala sa buwan sabi mo" sagot ko.
Naramdaman kong lumingon siya saakin, nagbibiro lang naman ako tch.
"Ate stress ako, kaya iniiyak ko." Sabi ko.
"Anong kadramahan 'yan? Pwede naman sa kwarto mo" sabi n'ya.
"Pwede naman talaga, pero gusto kong makita ang buwan."
"Bakit naman?"
"Gusto kong makita ang buwan, dahil sa gitna ng kadiliman, siya ang nagsisilbi kong liwanag sa tuwing kinakain ako ng kalungkutan. Minsan naiisip ko na ako yung buwan. Dumadating ang oras na para saakin, at nawawala kapag hindi na. Maganda ang buwan kahit minsan hindi s'ya buo, kahit minsan hindi s'ya tanaw tulad ko." Ayun nalang ang naisagot ko sakanya.
Hindi ko man sabihin ay alam kong speechless si ate dahil seryoso talaga ako sa sinasabi ko.
*END OF FLASHBACK*
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!