Isang napakagandang necklace ang laman ng kahon, kaya siguro ito ang naisipang iregalo ni ate dahil alam n'yang kapag nakakakita ako ng buwan ay kumakalma ang puso ko.
Maingat kong inilabas sa kahon ang kwintas at sinukat iyon sa akinh sarili sa harap ng salamin.
Isang napakagandang regalo, salamat, ate.
Pagkatapos sukatin ay ibinalik ko na iyon sa kahon at itinago sa damitan ko. Gusto ko lamang isuot iyon kapag may event akong pupuntahan para ma maintain ko yung ganda niya.
Umupo ako sa kama at nag isip isip. Antagal ma full charge ng cellphone ko kaya nililibang ko nalang ang sarili ko.
May nag flashback nanaman sa isip ko. 2 years ago, noong pinili ko mapag isa, pero nagpagtanto ko na mali pala. Noon, sinasabi lang ni mama na 'No man is an Island' pero ako mismo, ako mismo napatunayan na totoo nga.
Napagtanto ko na kapag pinili mong mag-isa sa lahat ng bagay, may mga pagkakataon na pwede kang malihis ng daan na tatahakin, pwede kang malihis ng landas. Magkakamali ka sa mga desisyon mo sa buhay na maaari mong ikapamahak o pagsisihan kapag dumating ang araw. At kapag nangyari ang lahat ng 'yon sa buhay mo, sino sa tingin mo ang tutulong sa'yo! Wala.
Walang tutulong sa'yo dahil pinili mong mapag isa.
(5) NO MAN IS AN ISLAND
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
No FicciónThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!