Umiiyak lang ako nang umiiyak habang kayakap si Hermione. Sobrang mahilig ako sa pusa at mapagmahal sa pusa kaya ganoon nalang ang naging reaction ko sa ginawa sakanya.Nasa kalagitnaan ako nang pag iyak nang biglang dumating si papa.
"Oh anak, bakit ka umiiyak? Umagang umaga para kang namatayan" Tanong ni papa.
" Eh kase yung bata doon sa labas kanina inapakan si Hermione." *Cries*
"Aba-- sinong bata iyon?"
"Hindi ko alam" umiiyak na sagot ko. "Tapos ngayon ngayon lang sinugod ako ng nanay n'ya tapos sinigaw sigawan ako. *Cries* "kayo nga hindi ako magawang sigawan tapos sila kung makasigaw akala mo may ambag sa buhay ko." Patuloy ang pag iyak ko kay papa dahil sa sama ng loob .
"Tumahan kana. Mabuti na at hindi mo pinatulan dahil baka mas lalong lumaki ang gulo." Sabi ni papa.
Nagpatuloy lang ako sa paghikbi habang buhat ang kawawa kong pusa. Alam kong may mali ako pero mali rin naman na ganunin ang walang laban kong alaga. Masyadong nasaktan si Hermione dahil halata sakanya na nanghihina s'ya.
Naalala ko nung bata kami ay hindi ako marunong magalit. Lagi ko lamang sila iniintindi at hinahayaan. Pero ngayong lumaki ako, sinabihan ako ni mama at papa na matuto akong magalit para hindi ako naaabuso. Although hindi naman ako totally naaabuso pero kapag umiintindi ka nang umiintindi, masasanay sila.
Kaya kung mayroon kang sapat na rason para magalit, magalit ka. Hindi tayo perpekto kaya 'wag mong kontrolin ang sarili mo sa mga bagay na normal na ginagawa ng isang tao.
(7) "LEARN HOW GO GET ANGRY IF THERE IS AN ENOUGH REASON"
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!