"Nga pala ate, kanina habang hinihintay kita, may nakita akong pusa." Sabi ko sakanya bago sumubo ng chicken."Pusa nanaman e may hika ka. Napaka tigas talaga ng ulo mo." Pangaral n'ya.
Ewan ko ba, bestfriend ko s'ya pero parang nanay ko na rin, tch.
"Oh anong nangyare?"
"Ayun may naghanap sakanya, ang weird nga ng lalaki e, ewan ko ba HAHAHAHAHA. Aalis na sana siya nang hindi kinukuha pusa n'ya pero pinigilan ko. Basta ang weird n'ya, tch." Sabi ko kay ate nikke.
"Oh, kinuha naman ba?" Tanong n'ya.
"Oo tapos wala s'yang nasabi tapos umalis na. Aish, hayaan mo na nga." Sabi ko.
Pagkatapos namin kumain ay nagkuwentuhan muna kami bago namin napagdesisyunan umalis. Masyadong pang maaga, siguro maglalakad muna kami sa plaza.
Bago tumayo ay napansin kong medyo makalat ang kinainan namin kaya naisipan kong mag ligpit muna pero.......
"May mga gumagawa naman niyan, tara na." Sabi ni ate nikke
Para akong walang narinig at nagpatuloy sa pagliligpit. Nasanay ako sa ganitong set up sa bahay kaya ginagawa ko rin kahit saan. Kahit sabihin nila na may mga taong gagawa para d'yan, gusto ko paring tumulong.
Pagkatapos mag ligpit ay inaya ko na siya palabas ng fastfood chain na iyon.
Naglakad lang kami sandali sa plaza pagkatapos ay napag desisyunan na namin umuwi.
Grabe andaming nangyare sa araw na 'to, ansarap nalang matulog.
Nakahiga nalang ako sa kaman ng maramdaman ko angg dahan dahang pag pikit ng mga mata ko.
(6) ALWAYS CHOOSE TO DO GOOD THINGS.
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!