Paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong tao sa sala, sila tita pala.
"Oh kamusta camping n'yo sa Baguio?" Sabi ni Ante Vergie.
"Masaya naman po." Sagot ko. Nagmano ako sakanila nila angkel dahil ayun ang turo saamin ng magulang namin simula bata kami.
Ewan ko ba, basta alam ko parte na ng buhay namin 'yon. Hindi na mawawala saamin ang pagmamano sa matatanda.
"May dala kaming paborito mong brownies" ani tita beth.
"Halaaaa, salamat po titaaa." Sagot ko.
Nakakatuwa naman , nageffort pa talaga sila ante, gusto ko umiyak waaaaah.
"Saan n'yo ba kase 'to nabibili? Gusto ko na rin bumili ng sarili kong pera ginagamit." Tanong ko.
"Jhazmine Kaye" si papa.
"Ay hala sorry po, peaceee" sabay peace sign.
Napapansin ni papa mga maling ginagawa namin hindi dahil doon s'ya nakafocus kundi gusto n'yang itama kami.
Napakaswerte ko grabe, hindi ako makapaniwala na napunta ako sa pamilyang 'to.
"Papa" tawag ko kay papa.
Naagaw ko ang atensyon nila ante dahil sa pagtawag ko kay papa. Hindi ko napansin na nag uusap usap pala sila, lagot na.
"Bakit nak?" Sagot n'ya.
"May overnight swimming po kase kami, gusto ko sana sumama kung okay lang." Pagpapaalam ko sakanya.
"Mamaya na tayo mag usap, may pinag uusapan pa kami." Sagot ni papa.
Hindi naman talaga nakakatakot si papa sa totoo lang. Sobrang magka vibes kami tapos mahilig magbiruan pero pagdating sa seryosong usapan, seryoso talaga s'ya. Takot ako kapag nagagalit si papa dahil bihira n'yang gawin 'yon.
Kung may namana man ako kay papa, siguro ayun ay ang pagiging kalmado sa mga bagay bagay. Ang pagiging mabait at hindi nagagalit sa hindi kagalit galit na dahilan, nakakaproud.
TO BE CONTINUED~
YOU ARE READING
10 Lessons From My Parents
Non-FictionThis story is based on the real life of the author, enjoy reading!!