CHAPTER 8 - Part 2

4 3 0
                                    

Parang timang talaga tch.


Nakatingin si eds saakin na mukhang naiiyak pa habang ako naman ay tinapunan lamang s'ya ng tingin nang walang mababasang ekspresyon sa mukha ko.



Eds POV


Kahit kailan talaga walang pakealam sa mundo 'tong si bilog, hindi ko alam dito, elementary palang kami ganiyan na s'ya. Pero isa lang masasabi ko, sobrang solid n'ya maging kaibigan.




"Hoy, gutom ka ba?" Tanong n'ya sa'kin.




"Hoy, humihinga ka pa ba?" Pabalik kong tanong sakanya.



"Tch, tinatanong kita nang maayos" Mataray na sagot n'ya.



"Sumasagot naman ako nang maayos" Sarkastikong sagot ko sakanya.



"Okay." Tugon niya.



"Hoy napakasungit mo kahit kailan. Pasalamat ka dinala kita sa Hospital ngayon kundi baka mamayang gabi nagpapakape kana." Sagot ko.



Akala ko ay makikipag biruan pa s'ya pero tulad nang palagi n'yang ginagawa tinapunan n'ya lang ako ng tingin. Pero bakit parang may mali? Masyado ata s'yang tahimik ngayon? Oo, tahimik s'ya kapag may sakit pero bakit nasobrahan ata ngayon? Is she deaf? May mali talaga e.





"Oo na gutom na ako, pero okay lang, nababantayan naman kita." Sa wakas ay nasabi ko na rin. Wala pa akong nakain kase paakyat palang kami nung inatake s'ya ng asthma, naiwan namin yung pagkain namin sa hagdan tch, sayang.




"Sige kain tayo pagdating ni papa." Seryosong sagot n'ya nang hindi tumitingin sa'kin.



"Hoy, bakit ang seryoso mo?" Tanong ko.




"Wala, tch." Sagot n'ya.



"Ano nga? Parang ewan ka naman, magsabi ka nga." Pangungulit ko.



"Nag aalala ako." Sagot n'ya



"Ha? Saan? Kanino? Sa sarili mo?" Sunod sunod na tanong ko.




"Hindi." Tipid na sagot n'ya.




"Eh? O saan pala?" Tanong ko ulit.



"Nag aalala ako sa sasabihin ni mama at papa. Kami lang ni ante may alam na may asthma ako. " Sagot n'ya.



Nagulat ako sa sinabi n'ya, for real?



"Teka, paano nangyare 'yon?" Tanong ko.




"Hindi nila alam, wala sana akong balak ipaalam pero wala na, alam na nila e. Magdadala raw si papa ng pagkain natin, hintayin mo nalang, tulog muna ako." Sagot n'ya sabay talikod sa'kin.


Tch, abnoy ka talaga Jhazmine Kaye.


Tulad nang sinabi n'ya ay hinintay ko nga makarating si tito pero tulad n'ya, ay nakatulog din ako.

10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now