two

2.2K 63 10
                                    

Oddly enough... even though it sounds weird, I really... really wanted to hear what he was thinking. I'd just lie if I said that that stranger's words didn't keep me up all night, stumbling and turning trying to get some sleep—because it did. Sobrang dumb, to be honest... how can someone else's words affect me like that? I shouldn't even bother about somebody else's opinion of me... Pero ewan ko ba. Parang tanga.

It wasn't soon until I realized, I was already looking forward to our first day of classes and wish I'd get to see him. How can I not? He's the only person who saw right through me.

And it didn't feel weird...

For once, I actually... felt really happy. I mean it's not that I don't feel happy. I still do normally feel happy and empowered whenever the attacks don't come in the wrong places and time. Iba lang siguro kasi sa pakiramdam na may nakabasa agad sa'kin... ang akala kasi ng iba kapag nakangiti ako, masaya talaga ako. Siguro gano'n lang talaga ako kagaling magtago. Sabi rin kasi no'ng ibang nakakaalam ng kondisyon ko, hindi talaga halata...

Ayaw ko kasing ipahalata... as much as I don't want to burden them, ayaw ko ring isipin nila na sobrang hina ko naman. I always fight against the inner monsters within me, and I don't want to let them defeat me. Laging may void na kailangang i-fill, pero I don't want others to let that fill for me... as much as possible, I don't want to be dependent on someone else's attention.

I can do it myself.

My condition won't hinder me to become the person I want to be.

"Good morning, Telly!" Nginitian ko naman si Rene na kagagaling sa labas na may hawak-hawak na cup noodles at bote ng tubig. "Kumain ka na?" Lumingon siya sa'kin pagkapatong no'ng food sa maliit niyang table.

"Baka sa dining hall na lang ako kumain," sambit ko. One week pa lang ako sa dorm, pero hindi ko masyadong trip 'yung pagkain sa canteen namin. Hindi ko pa naman din nata-try kumain sa canteen sa building ng Allied Health Sciences.

I was still feeling a little sleepy habang nagpa-plantsa ng uniform, although nakatulong 'yung sobrang lamig na tubig from the shower. Pakiramdam ko naligo ako ng yelo! Sobrang lamig kasi talaga, pero mas maginhawa naman sa pakiramdam. Parang nahimasmasan ako nang kaunti.

"Omg, alam mo palang mag-plantsa," natatawang sabi ni Rene habang pinapanood ako. Natawa naman ako at hinila sa saksakan 'yung plug ng plantsa.

"Grabe, mukha ba'kong sheltered kid?" Humarap ako sa salamin habang sinasara 'yung butones ng uniform ko. Hindi ko mapigilang kiligin deep inside... grabe, no'ng High School ako, ramdam ko na 'yung white uniform supremacy tuwing nakakasalubong ako ng medical students noon sa Alaminos, tapos 'yung mga libro nila ang kakapal. Biro nga no'ng iba sa'min, pampalubag-loob lang naman daw nila na may dala silang libro pagkatapos ng klase para kunwari nag-aaral talaga sila nang maayos.

I mean... mood.

Sobrang mood. Minsan nga binibitbit ko 'yung makakapal na photocopies namin sa Biology II kahit kasya sa bag ko... wala lang, pang-rampa lang siguro na yes, nag-aaral ako. Tapos didiretso kami ng Mcdo ng mga kaibigan ko, tapos 'yung ibang junior high school students napapatingin sa'kin—or sa photocopies ko...

Rene chuckled, "Oo kaya! Ang hinhin-hinhin mo pa, tapos sobrang mahiyain ka sa mga tao. Sabi ko nga baka hindi ka masyadong naglalalabas din sa inyo kasi sobrang puti mo kaya! Para kang gatas." Tinignan ko lang si Rene at natawa na lang sa sinabi niya, kasi totoo naman. Sobrang dalang ko ring lumabas. Sanay na lang yata ako sa indoor world, although pumapasyal naman ako! Minsan nga isang buong week, labas lang kami nang labas ng mga kaibigan ko papuntang Lucap para magpahangin or kumain ng street foods, although minsan pag galante at may extra kaming dala, napapadpad na lang din kami sa Maxine's.

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon