Telly, hinga.
What I learned since my high school days was to never cram during examination week which I have always applied--kaso ang hirap i-apply pag college. Aside from the fact na sa totoo lang ay sobrang hirap i-manage ng oras, may mga subjects din na gusto mo na lang talagang i-skip at tanggapin ang katotohanan na ibabagsak mo na lang siguro talaga dahil hindi mo na alam kung saan pa isisiksik 'yung information. Ang dami! Nakaka-overwhelm... may isang araw nga na tinigil ko na lang talaga mag-review at nag-breakdown na lang ako. Wala akong na-accomplish, pero at least hindi ko na-bottle up. Mas ayos na rin siguro 'yun.
May ilang days pa bago 'yung mismong examination week, pero sobrang stuck up ko sa anaphy dahil sa moving exams--ngayon na nga 'yung moving exams no'ng half ng section namin kaya na-ra-rattle na ako. Medyo may idea naman ako kung pa'no ginagawa 'yung moving exams since ginawa rin 'yun no'ng prof namin sa SHS, kaso siyempre... college. Ibang-iba 'yung notion tsaka approach ng mga bagay-bagay pag nasa college ka na, sa totoo lang. Minsan madali, madalas mahirap. Sobrang goods na kapag pumasa ka sa quizzes na hindi mo talaga na-focus dahil may long quiz pa next subject. I don't even know how I'm barely managing.
'Di ka naman pwede magmaktol kasi may kasunod na naman na quiz. Literal na, "bagsak ako... anyway."
Pagkatapos ng klase namin, dumiretso muna kami sa canteen para kumain. Medyo tahimik nang slight dahil nag-aaral silang lahat habang kumakain. The triple threat (as what some other people from other sections call them) seemed cool--halatang nag-aral na nang maayos bago pa pumunta ng school. Nakakainggit talaga kapag may nakikita kang sobrang effortless when it comes to studying. If there'd be people whom I'd know na kayang kabisaduhin ang isang libro, it'd actually be Olly, Darren, and Toby.
"Alam niyo kaya kayo tinatawag na triple threat, eh. Tignan niyo, kaming lahat may dalang reviewer, tapos kayo naglalaro ng ML? Tapos kayo pa rin highest sa exams?" Bianca says which made the three of them laugh bago bumalik sa paglalaro. Pero hindi rin naman kasi namin sila ma-blame dahil alam din naman namin kung ga'no sila katutok sa pag-aaral. Nakakainggit at some point kasi... alam mo 'yun, ang ganda ng focus nila, although siyempre hindi naman sila weird na hindi talaga na-di-distract, pero alam nila kung pa'no i-counter 'yung distractions kaya kahit ma-distract man sila saglit, they still know what they're doing.
Tapos ako, ma-distract lang ako saglit, tuloy-tuloy na. Aguy.
Nakakainis.
Tahimik akong kumain ng pesto habang nagtitingin lang ng memes sa Facebook. Ayaw kong kumain habang nag-aaral, tsaka magbabasa rin naman ako sa 6 hours naming vacant kaya i-savor ko na lang 'tong freedom kahit pa paano, tsaka para medyo makahinga naman nang slight 'yung last three brain cells ko. Baka napi-prito na masyado.
No'ng tumayo ako para iligpit 'yung pinagkainan ko, tumayo rin si Olly at sumabay sa'kin papunta.
"Ano na naman," tanong ko habang sine-segregate 'yung mga ginamit ko. Natawa naman si Olly sa sinabi ko bago kinuha sa kamay ko 'yung tray dahil mas malapit sa kaniya 'yung mga trays.
"Wala pa nga akong ginagawa parang inis ka na, ah," natatawang sambit ni Olly.
I made face, "Alam mo Olly, maghanap ka na kaya ng jowa mo para 'di ako 'tong ginugulo mo," sambit ko bago dumiretso sa canteen ulit para bumili ng C2. Ewan ko ba dito! Wala yatang magawa sa buhay. No'ng nakaraan bigla niya akong chinat tapos sineen lang ako kaya sobrang nag-overthink ako noon kaya akala ko may nangyari na sa kaniya, 'yun pala magtatanong lang kung gusto ko raw ba ulit ng melon bread dahil may extra na naman siyang nabili no'ng pumunta siya ng UPTC para bumili ng pampaarte niya raw, kaso nakatulog daw siya kaya nakalimutan niya. Hindi naman talaga ako dapat mainis, pero ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
at long last, peace
Teen FictionMEDTECH SERIES #1 | The Wattys 2022 Shortlist Estelita Isabel Figueroa just graduated from Senior High School, and finally getting a taste of freedom, living in Quezon City adds a check to her long list of bucket list, choosing her degree program--B...