"Toby."
"Olly just... just fix up this mess. I know my limits, okay, just... just don't let Telly get hurt like this anymore. She doesn't deserve to be the center of these rumors, you, of all people, know that."
I tried so hard not to listen to their conversation and still pretend to fall asleep. I knew I shouldn't even be eavesdropping, pero hindi ko rin mapigilan. Yet as much as I wanted to open my eyes and ask them, hindi ko rin mabuksan nang maayos 'yung mga mata ko. Kakaiyak ko na rin siguro.
"Sunduin ko lang sila Corrine," says Olly. Toby didn't respond pero narinig ko namang bumukas 'yung pinto. The scent around the area was familiar... I was probably at a hospital room. Nasanay na yata ako masyado na gumising na lang biglaan sa hospital.
I have always been used to the emptiness that it scares me most of the time when I'm feeling less empty. Pakiramdam ko kasi laging may kasunod... na babawiin bigla 'yung pakiramdam na 'yun.
And yet even when I'm used to getting the same old cycle and disappointment, it'd always hurt.
"Telly," Toby uttered, walking towards me when I finally opened my eyes. Tumingin lang ako sa kaniya at pinilit na ngumiti, pero umiling siya bago inayos 'yung blanket na nakabalot sa'kin, "Don't smile when you don't want to."
I didn't have the energy to speak kaya pinili ko na lang manahimik. Nakatitig lang ako sa kisame habang sinusubukang iproseso lahat ng sinabi sa'kin ni Toby. Wala akong maramdaman... ni hindi na'ko nakakaramdam ng takot na baka bumalik na naman ako sa dati. Parang mas okay pa nga ata 'yung umiyak ako... kasi alam ko na kahit pa paano gagaan sa pakiramdam.
Kaso wala.
Sobrang manhid.
Sa sobrang gulo nag-shutdown na naman 'yung utak ko.
"Gutom ka na ba? I can ask Olly na bumili ng pagkain mo pagkasundo kila Corrine." I waved my hand and silently asked for a bottle of water because my lips felt dry. Toby helped me to sit para makainom ako nang maayos kaya nagpasalamat na lang din ako.
Tapos tahimik na naman.
"Do you want to ask?"
I shook my head.
"Do you... want to be alone?"
I nodded. Toby smiled timidly bago iniwan 'yung bottled water sa tabi ko at lumabas na ng kwarto. Napa-buntonghininga na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko. I should be feeling angry and sad... but I just felt numb.
And numb, yet again.
Nanatili lang ako sa gano'ng posisyon nang marinig kong bumukas 'yung pinto kaya napaangat ako ng tingin. Pilit akong ngumiti no'ng makita ko si Bianca at Corrine na halos sabay pa yatang naiyak no'ng nakita ako.
Nakakaawa siguro talaga 'yung sitwasyon ko ngayon.
"I'm sorry... we're sorry, Telly," Corrine whispered as they hug me. I felt warmth... a little. Tumango lang ako kasi pakiramdam ko wala talaga akong lakas para magsalita... gusto ko na lang matulog nang matulog para hindi ko na isipin pa 'yung sitwasyon ko ngayon.
Lumabas saglit sila Bianca at Corrine para bumili ng makakain kaya naiwan kami ni Olly sa loob ng kwarto. Napatingin lang ako sa kaniya saglit bago humiga at nagbalot ng kumot. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman kay Olly... may parte sa'kin na gusto siyang sisihin kung bakit nangyayari 'to, pero may parte rin sa'kin na gustong sisihin 'yung sarili ko kasi pakiramdam ko kasalanan ko rin kung bakit umabot sa gano'ng punto.
Pakiramdam ko tuloy bigla ang dumi-dumi ko.
Itutulog ko na lang.
Baka bangungot lang.
BINABASA MO ANG
at long last, peace
Teen FictionMEDTECH SERIES #1 | The Wattys 2022 Shortlist Estelita Isabel Figueroa just graduated from Senior High School, and finally getting a taste of freedom, living in Quezon City adds a check to her long list of bucket list, choosing her degree program--B...