twenty seven

528 20 2
                                    

When Olly broke the hug, we remained silent for a while. Hinayaan ko na lang din siyang kumain in peace. I was a little hesitant to speak kasi sobrang shitty ko rin when it comes to talking... I don't really know the right words sometimes kaya minsan tahimik na lang din ako. Mamaya kasi mas lalo palang makaka-trigger 'yung sinasabi ko.

I've always known how words can either make or break someone's day.

No'ng tapos na siyang kumain tumingin siya saglit sa'kin at natawa, "Ang tahimik mo naman," sambit niya at napalingon saglit sa gilid para siguro maghanap ng tatapunan, kaso mukhang kinuha 'yung trashcan kaya binalot na lang niya 'yung wrapper ng spanish bread at nilagay sa gilid ng bag niya. 

I sighed. 

"Sorry... hindi ko kasi alam sasabihin," sambit ko. "Are you feeling better?" Olly smiled at me and nodded.

"Thank you," he says. "I really needed that." 

Ngumiti ako. Silence embraced us once again habang umiinom ng yogurt si Olly, which I didn't even know if comforting para sa kaniya o hindi. Hindi ako mapakali kasi gusto ko talagang magsalita, ang kaso hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Ayaw ko namang tanungin kung bakit mukha siyang malungkot kasi alam ko naman din kung bakit... parang naglagay ka lang ng asin sa sugat no'n.

No'ng 30 minutes na lang before klase, sabay na kaming umakyat ni Olly. He looked tired kaya I opted using the elevator kasi alam ko namang susundan niya lang talaga ako kapag nag-hagdan ako. Ewan ko rin sa kaniya... pag magkasama kasi kami kung saan ako nando'n din siya. Feeling ko tuloy may bodyguard ako nang 'di oras.

"Not stairs?" he asked pagkapindot ko no'ng fourth floor. Napasimangot ako at tumingin sa kaniya.

"You look tired," sambit ko. "I can't let you climb the stairs up to the fourth floor with that state."

Olly chuckled and rested his palm on top of my head patting me a little. I looked up to him furiously kasi nagugulo 'yung buhok ko dahilan para mas matawa siya lalo, "Mukha kang si Paimon pag naiinis."

I frowned, "You and your Genshin Impact," sambit ko. Gusto ko nga sanang i-try kasi ilang beses na rin akong sinesendan ni Olly ng Genshin memes tapos ipapa-explain ko sa kaniya kasi hindi ko gets tapos ang sasabihin niya lang maglaro rin daw ako para mag-co-op kami pero wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya, ang kaso nga lang wala rin naman akong time maglaro! Hindi naman kami pareho ng studying capacity ni Olly. Nakakainggit.

"Maglaro ka na kasi," natatawa niyang sambit. "I'll bombard you with more memes para mapilitin ka nang i-download."

Napairap ako, "Triny ko kaya! 10 GB!" I ranted. 128 GB 'yung phone ko kaso konti na lang din 'yung space dahil ang dami kong sine-save na files at photos. Wala naman akong iPad at nahihiya rin akong mag-ask kila mama kasi nag-rent pa sila ng bagong apartment para sa'kin. "I'll save up muna tapos I'll buy an iPad to play. Okay na?"

He chuckled, "Sure," he says. 

We stayed silent for a while tapos naalala ko na naman 'yung apartment, "Olly," I blurted out. "I have a sched mamaya 'di ba?"

He nodded, "I saved up your sched on my phone so I won't forget," he says, showing me his calendar, and truth be told nando'n nga 'yung schedule ko kay Dr. Pidlaoan. Mostly hapon kasi 'yun lang din ang available ako, tsaka ayos lang naman kasi at least may peace of mind ako after classes. Hindi rin naman araw-araw 'yung schedule kaya we really worked around my schedule and instead na MWF, we just chose the afternoon of weekends and Friday, and a morning schedule during Thursday since pareho naman kami ng schedule ni Olly sa Anaphy lab.

"Ano kasi... may new apartment na kinuha sila mama. Maybe we can check it first bago tayo pumunta sa clinic?" I said, a little hesitant to tell him. Sasabihin ko rin naman kila Corrine mamaya, nauna lang sa kaniya. Hindi ko naman kailangang itago na may iba akong uuwian... soon, mababanggit ko rin sa kanila kung bakit.

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon