nineteen

669 19 0
                                    

"Are you sure you're not skipping any of your meds?" Mama sounded like my therapist for a moment there, but I do understand where she's coming from. Hindi naman siya laging ganito, pero alam ko namang dahil sa layo namin sa isa't-isa, 'yun lang ang kaya naming gawin ngayon--kamustahan--kung ayos lang ba ako ngayon, kahit pa paano.

Alam naman ni mama. Kahit maka-survive lang ako, ayos lang sa'kin. 

I was wearing a smile as I was spraying some water on my plant--that still has not died on me yet (lucky me). Ang lapit na ng midterms, halos ilang araw na lang din moving exams na namin, so far, so good pa rin naman ang scores ko sa quizzes, although 'di rin naman talaga maiiwasan 'yung pasang-awa na scores. Last time nga na nag-quiz kami, si Toby lang 'yung pumasa tapos lahat kami bagsak. Akala ko nga Olly was gonna throw a fuss kasi lagi namang sila 'yung laging nagkakasama sa high scorers nina Darren at Toby, pero after that quiz, halatang wala namang pake si Olly kahit pasang-awa ang naging scores ng halos lahat sa'min. Sabagay, isang beses lang naman siyang bumagsak. Kaya naman niyang bawiin pa sa ibang quizzes, pati sa midterms.

Totoo pala talaga kasi 'yung kahit feel mo na sobrang talino mo no'ng high school, pag nasa college ka na, parang biglang maglalaho lahat ng 'yun. Pakiramdam mo tuloy lumaki ka lang sa maling akala at romanticized at glamorized ka lang no'ng bata kaya kahit sobrang mediocre mo lang pala sa mga ginagawa mo, akala mo sobrang galing mo na kasi people around you were considering you like some sort of someone who'd follow Einstein's footsteps. 

"You don't have to worry ma, I follow the sched," I answered, squeezing the phone in between my ear and my shoulder habang inaangat 'yung pot ng plant ko at nililinis 'yung ilalim since may excess water, baka magkaro'n naman ng lumot dito, magalit pa sila sa'kin. Hinayaan na nga nila akong mag-alaga ng halaman.

Hay. Kung may sarili lang akong apartment, siguro nagpasama na ulit ako kay Corrine at bumili ng isa pa.

The past few days na inaalagaan ko 'yung halaman, medyo nakakagaan sa pakiramdam. Ewan. Hindi naman ako mahilig mag-alaga ng halaman noon kahit maraming halaman sila mama sa bahay. Pakiramdam ko kasi kapag nag-alaga ako, baka mamatay rin, kaya hindi ko na lang pinapakialaman 'yung halaman nila do'n. Maganda naman kasi talagang tignan... masarap pa sa mata. Kaso hindi ko talaga sure kung kaya kong buhayin.

But sometimes in life, you just really have to risk it--and whatever the outcome is? At least, hindi ka naman mumultuhin no'ng regret na sana ginawa ko.

Ang babaw siguro pakinggan, pero para sa'kin, ito na siguro 'yung greatest achievement ko this year.

Mom sighed on the other line, "Do you have time this weekend?"

I walked towards my deck at inabot 'yung notebook ko na may calendar of activities. I've always had this habit of mine to plan my days ahead para alam ko kung ano'ng pwedeng isingit tsaka kung ano'ng dapat gawin--as much as possible, I always keep myself busy and occupied, lalo kapag may mga upcoming examinations. I can't let my breakdowns hinder me from studying, kahit alam ko na ang dami ko yatang naging lackings sa ibang GE subjects namin dahil um-absent ako sa ibang mga klase namin. Buti na nga lang hindi sumasakto na may quiz or something kapag hindi ko talaga kayang ibangon 'yung katawan ko para pumasok. Kaso hindi ko naman na pwedeng ulitin 'yun kasi baka maging habit ko naman na um-absent nang um-absent. Three absences pa naman na walang acceptable excuse, automatic drop na agad.

"I can make time naman po, ma. Why po?" I answered habang nakatingin sa calendar. Review lang naman ang aatupagin ko this weekend, except kung may idadagdag pang workload 'yun ibang major subjects namin, pero mahaba naman 'yung weekend, tsaka generally naman, sa school ko na rin ginagawa 'yung ibang assignments namin para if ever na may 'di ako magawa during our free hours, isisiksik ko na lang sa weekend schedule.

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon