thirty two

507 20 5
                                    

"Morning!" Aliyah greeted pagkalabas niya ng apartment. Ang ganda talaga niya kahit ano'ng ayos niya... siguro siya 'yung literal na definition ng girl crush. Hindi naman siguro weird 'yung gano'n... kasi pati sila Corrine no'ng nakita nila si Aliyah, na-starstruck din sila. Mukha kasi talaga siyang artista.

"Kumain ka na?"

I shook my head at ngumiti, "Hinihintay ko lang si Olly, bumili raw siya ng breakfast eh." Napatango na lang siya habang nag-s-spray ng disinfectant sa harapan ng pintuan ng apartment niya. "Natalsikan ka ba? Sorry habit ko kasing mag-disinfect ng door knob."

"Hindi naman," sagot ko. "May pasok kayo?"

Aliyah shook her head, "Meeting lang with student council, tapos gala," natatawa niyang sabi. Napatango na lang ako. Hindi kasi siya naka-uniform at naka-usual get up lang.

"Telly," she called. "Weird question... pero do you like Olly?" Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya dahilan para maiba ko 'yung direction ng watering can at 'yung sahig 'yung natubigan ko, muntik ko pang mabasa 'yung shoes niya kaso tumawa lang siya! Pakiramdam ko tuloy nagising 'yung diwa ko sa tanong niya. Sobrang straightforward naman kasi! Wala man lang subtlely or something? 

"Hindi mo ba crush or something?"

Hindi ko ba crush?

Natawa ako, "Ano'ng klaseng tanong 'yan?" 

Aliyah shrugged at sumandal sa railings. Buti na lang hindi naman accident prone 'yung railings kasi lagpas naman sa'min 'yung height kaya hindi gano'n kadelikado, "Curious lang," sambit niya bago tumingin sa'kin at ngumiti. 

"Bakit? Bet mo ba? Ilakad kita. May pagka-in denial din 'yung taong 'yun, eh. Malay mo ma-realize niya bigla."

Mas lalo akong natawa, "Matchmaker ka ba?"

"Alam niyo kung pwede lang kayong ihalo sa anesthesia, ihahalo namin kayo."

Napa-buntonghininga ako.

"Ayaw ko isipin 'yung gano'n muna. Ang selfish siguro pakinggan pero gano'n na nga. Unahin ko muna siguro 'yung sarili ko bago iba," nakangiti kong sabi. "Tsaka ayaw kong mapalayas 'no, bawal pa'kong mag-boyfriend."

Aliyah laughed, "Boyfriend agad? 'Di ba pwedeng ligaw muna?"

"Do'n din naman papunta 'yun," sagot ko bago bumalik sa pagdidilig ng halaman. "Ayaw ko munang isipin 'yung future. Kontento na'ko sa buhay ko ngayon." 

Medyo.

Hindi man gano'n ka-peaceful kasi hindi naman agad nawawala 'yung depression. It's just... it's a little easier to get by... kahit may mga unanswered questions pa rin. Kahit pa paano 'yung iba naman may sagot na.

Hindi naman sa ginusto ko 'yung nangyari do'n sa mga naging kaibigan ni Rene, pero nitong nakaraang araw lang na-process na 'yung expulsion nila, pero hindi na namin sila nakita ever since no'ng tinakot sila ni Olly. They never apologized to what they did to me, but I guess pride na lang talaga nila 'yun. Ni hindi nga namin nakita 'yung parents nila sa univ at hinayaan na lang ma-expel 'yung mga anak nila. I mean, nakiusap din naman ako sa dean... na baka pwedeng i-reverse at i-suspend na lang sila for the meantime kung mag-so-sorry sila sa'min.

Kaso wala.

Tinanggap na lang nila.

Ang hirap talaga pag pinairal mo 'yung pride.

Aliyah smiled, "I guess you're feeling a little bit better now?"

Tipid akong ngumiti. Hindi ko rin naman masasagot 'yun nang diretsahan... kasi I was sure it wasn't just me doing the work but also the meds. 

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon