twenty two

616 25 4
                                    

Saturdays were supposed to be rest days kaso may pasok nga pala kami sa NSTP kaya maaga rin akong nagising. Okay naman 'yung klase, ang cute nga no'ng curriculum na natapat sa'min, massage tapos medyo may pa-anatomy pa 'yung prof kaya medyo nare-review rin 'yung Anaphy, medyo pressuring lang kasi expected nilang alam ko lahat dahil alam nilang nasa MedTech ako. Alphabetical kasi 'yung ginawa nilang arrangement sa kung saan ka mapupunta, kaso nga lang halo-halo kasi 'yung students kaya medyo out of place ako kasi 'yung iba sa kanila magkakakilala na talaga. Siguro pag-uwi ko i-ma-massage ko na lang sila mama pampalubag-loob.

"Hi, Telly!" bati sa'kin ng seatmate ko pagkapasok ko. Medyo maaga pa kaya kaninang lumabas ako ng dorm kaya dumaan na lang muna ako sa canteen kaya medyo nahiya ako at inalok na lang din 'yung katabi ko ng biscuit--which she gladly took. My classmates in our NSTP class have been nothing but kind ones kaso siyempre nando'n pa rin 'yung idea na medyo OP nga ako kasi halos lahat sila dito, kung hindi magka-kaklase sa course nila, magkakakila na noon pang high school. May advantage pala talaga kapag tinuloy-tuloy mo 'yung pag-aaral sa alma mater mo when it comes to people around. 

Oddly enough, I was chosen to be the President of the class na hindi ko naman talaga in-expect! Tapos sabi pa nila mukha raw kasi akong katiwa-tiwala dahil ang amo raw ng mukha ko kaya ako na lang 'yung vinote nila kaya feeling ko joke time lang talaga at ayaw lang talaga nila mag-President sa klase (kasi sino ba namang may gusto ng responsibility, to be honest). Ang random kasi sobrang screwed up ng leading skills ko, in all honesty, kaso hindi na rin ako nakatanggi kasi majority nga raw ang nag-vote. Thankfully, hindi naman sila mahirap i-handle, tsaka mostly lang naman ng ginagawa ko ay nag-a-announce lang sa groupchat kung may klase or wala.

Pagkarating ng prof namin, nag-discuss na agad ng lesson ngayon tapos next week may quiz ulit tsaka practicals na rin daw. Inaantok pa nga ako kaya medyo humihikab ako, buti na lang at nasa likod lang ako kaya hindi napapansin. Okay lang naman din ako umupo sa harap, kaso na-co-conscious ako masyado lalo't wala sila Corrine. Sila lang naman din ang dahilan kaya nasa harapan ako pag may klase. 

The class lasted for 3 hours kaya sobrang haggard ko na yata pagkatapos ng klase. Buti na lang wala nang pahabol 'yung prof namin pagka-dismiss niya kaya nakalabas din agad ako ng room. Pagkalabas ko, nando'n na si Corrine sa labas ng habang nag-ta-type sa phone niya. 

"Huy!" Corrine exclaimed when I subtly snatched her phone from her hand dahilan para matawa ako bago ko ibalik sa kaniya 'yung phone niya.

"Ang dali mo palang nakawan," natatawa kong sabi. "Grabe 'wag mong gawin 'yan sa labas, mawawalan ka talaga ng phone."

Corrine pouted, "Grabe ka naman sa'kin. Siyempre cautious naman ako pag nasa labas ako!" 

"Weh, 'di ba ikaw 'yung nawalan ng phone bandang España no'ng 2018," Bianca chimed in pagkalabas niya ng room. Good thing lang din na magkakalapit lang kami ng rooms dito sa 1st floor kaya pagkatapos talaga ng classes, dumidiretso kami sa labas para kumain.

Corrine glared at Bianca, "How'd you know?!"

Bianca laughed, "I saw it on the news kaya since apparently, the one who stole your phone has been wanted for three years," she says, laughing. "Blessing in disguise pa na nawala 'yung phone mo." Corrine and I laughed with the thought. Grabe, I never heard about that one kaya ang funny niyang pakinggan. 

When the boys finally got out of their classes, mas lalo lang kaming umingay kaya nasita tuloy kami no'ng isang prof na napadaan kaya tahimik na lang kaming lumabas ng building. Pero nahinto kami no'ng nag-excuse saglit si Darren kasi may tumatawag sa kaniya. 

"Sorry mom called, may nagtatanong daw kasi about medtech dito sa univ na SHS."

Natawa si Olly, "Buti pa SHS may plano na agad mag-Medtech."

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon