It was already too late when Mandy, our class monitor, messaged our groupchat na wala kaming klase sa HIS for both lecture and laboratory. Medyo marami na rin kasi kami sa school, tapos 'yung iba galing pa ng Manila para hindi makasabay sa traffic during rush hours. I was grateful enough na pwede lang lakarin 'yung dorm, kaso tinatamad pa'kong umuwi at baka wala rin akong magawa do'n. Buti pa sila Corrine wala pa rito.
When the coast was clear and legit na talagang walang klase dahil nag-message na rin 'yung prof namin ay tumayo na'ko sa bench para pumunta na lang sa kabilang building. Tatambay na lang siguro ako do'n para mag-aral for the moving exams, tsaka gumawa na rin ng workloads. Bahala na. Ayaw ko lang umuwi.
I walked past Rene and her new group of friends. I wasn't rude—mom never taught me how to be rude, but I wasn't naïve either. Hindi ko rin naman isisiksik 'yung sarili ko sa kaniya, or change the way she thinks of me, because kahit i-deny ko naman talaga sa sarili ko, pakiramdam ko I'm the root cause of what happened between Rene and my circle.
Pero, being an overthinker aside, kahit anong gawin kong pag-iisip sa kung bakit naging ganito... hindi ko pa rin alam kung saan nagsimula lahat. Super babaw siguro no'ng hindi ako nagising dahil mali 'yung alarm ko, at hindi rin ako nagising ni Rene. Alam ko namang may rason talaga si Rene... pero hindi ko mahagilap kung ano.
At gustuhin ko mang alamin, inuunahan na agad ako ng takot.
Nakakatawa.
People around me tell me not to feed on our fears, but I feel like I feed on it like some kind of hearty meal I'd wish I could just eat forever.
I was getting a little hungry kaya dumaan muna ako sa canteen para bumili ng biscuit, wala namang tao masyado kaya nakapagbayad din ako agad, pero eksaktong paglabas ko ng canteen, nakasalubong ko si Olly.
"Uy, good morning!" he greets with this familiar smile of his, which he never ceases to show every day. Parang siya 'yung tipo talaga ng tao na hindi mo alam kung kaya ba talagang magalit sa iba, or if ever man magalit siya, bigla na lang siya tatawa out of the blue kasi na-realize niya na out of character siya.
I smiled and waved my hand, "Ba't pumasok ka pa?" tanong ko nang makalapit sa kaniya. Natawa ako no'ng mapakunot siya ng noo, nakalimutan ko pa na he rarely checks his phone.
"Walang pasok?"
I shook my head, "Nag-message si Mandy sa GC," sambit ko habang binubuksan 'yung phone ko bago ipinakita sa kaniya 'yung message ni Mandy.
He frowned, "Sayang tulog," sambit niya na natatawa. "Uwi ka?"
Umiling ako, "Punta ako lib," I uttered, opening the pack of my biscuit, kaso ang hirap buksan kaya kahit saang parte ko i-try, hindi ko pa rin mabuksan. "Ikaw?"
He shrugged and took the pack of biscuits from me and opened it in one swift move.
"Hala," sambit ko. "Thank you..."
He laughed, "Ang frustrating na kahit saang angle mo triny buksan, hindi mo pa rin mabuksan."
I rolled my eyes.
"Sa'n ka?"
"Sama na lang ako sa'yo."
"Tinatamad ka na mag-drive 'noh?"
Natawa siya at pasimpleng kumuha ng biscuit. Hinayaan ko na lang siya kasi rin naman 'yung nakapagbukas. "Ayun din."
Pareho kaming natahimik habang naglalakad papunta sa kabilang building. May library rin naman do'n sa isang building, pero mas nakaka-focus kasi ako do'n sa library sa building namin, tsaka mas medical related 'yung books do'n kaysa do'n sa building na pinanggalingan namin since more on arts and sciences naman 'yung nando'n.
BINABASA MO ANG
at long last, peace
Teen FictionMEDTECH SERIES #1 | The Wattys 2022 Shortlist Estelita Isabel Figueroa just graduated from Senior High School, and finally getting a taste of freedom, living in Quezon City adds a check to her long list of bucket list, choosing her degree program--B...