twenty eight

488 20 0
                                    

The weekend seemed to be a little brighter when I woke up... nakatulong siguro 'yung humidifier na pinadala ni Olly kagabi or 'yung hindi na'ko nagising kasi maingay sa labas. Tawang-tawa nga ako kasi halos 10:00 PM na no'ng bigla na lang may kumatok na delivery, akala ko pa nga galing kila mama tapos no'ng binuksan ko may succulents na laman 'yung package tapos isang set ng lavender scents tsaka isang humidifier. 

7:30 AM pa lang pero nag-ayos na'ko ng sarili. I had to vacate my Saturday para hindi ako ma-stress kaka-aral kaya no'ng nag-aya sila Bianca at Corrine na lumabas since kailangan ko ng stand para sa plants ko, pumayag na'ko agad. I needed a breather... tsaka deserve ko rin naman sigurong mag-celebrate after a good news. It's the least I could do for myself.

Pagkatapos kong magbihis, nag-ayos na ulit ako ng gamit sa apartment. Mom made sure na complete 'yung appliances na kailangan ko kaya wala nang kailangang ayusin na iba. 

"Do you like your new place?"

I smiled and nodded when mom's face appeared on the screen. No'ng dumaan si daddy tinawag siya ni mama at umupo sa tabi niya. Dad wasn't techy kaya ang chaotic nila ni mommy kasi hindi makita ni daddy kung nasa'n 'yung camera kaya pareho kaming tawa nang tawa.

"Nakaka-adjust ka naman diyan, nak?" 

I nodded at itinutok sa screen 'yung sala, "Mommy inspired ka na naman ng Home Buddies, ah!" natatawa kong sabi. No'ng sinend kasi ni mommy 'yung photos ng bahay wala pang furnitures kasi gusto raw niya akong i-surprise kung pa'nong gagawin nilang arrangement kaya literal na nakita ko lang 'yung interior no'ng naglipat na'ko ng gamit. "Thank you so much po. Promise maglilinis ako araw-araw."

Natawa naman si mama, "May automatic vaccuum din akong nilagay diyan kaya 'di mo naman need masyadong maglinis," sambit ni mama. "If you're not in a good shape to clean, may cleaner naman diyan ha? Tawagan mo na lang."

Napangiti ako, "Thank you, ma. For understanding my situation."

Mom smiled, "Just focus on your therapy and we're good, nak. Always take good care of yourself, okay?"

Tumango na lang ako.

My parents kept me company habang nag-aayos ako ng gamit. Kaunti na lang din naman 'yung inayos ko since lahat ng damit ko nilagay ko na lang sa hanger since malawak naman 'yung cabinet. Medyo malawak 'yung apartment pero sakto lang naman para sa'kin, although pwede rin kaming lahat na magka-kaibigan na mag-sleepover. May extra beddings naman sa bodega. 

Dad bid goodbye first since may patient siya within 15 minutes kaya umalis na rin ng bahay. Nasa labas lang naman ng bahay 'yung clinic tapos 'yung gourmet shop ni mama nasa kabila lang din, pero kumuha na ng isa pang helper si mommy kasi kinukulit ko lagi kaya madalas nasa bahay na lang din siya since umaatake 'yung vertigo niya paminsan-minsan.

"Okay naman ba 'yung apartment?"

Natawa ako, "Kanina niyo pa po ako tinatanong. Super okay po talaga," sambit ko. "Nahihiya nga po ako..." dagdag ko. Fully-airconditioned kasi 'yung unit, tapos 'yung mga bintana mahirap buksan since designed talaga siya para sa airconditioned places kaya iniisip ko pa lang 'yung gastos sa apartment nahihiya na agad ako. Tapos may therapy pa'ko at ibang gastusin sa school. Gusto ko na sanag mag-part-time para ako na lang magbayad para sa therapy ko kaso ang sabi ni Dr. Pidlaoan kahapon baka masyado lang akong ma-stress at mag-backwards na naman 'yung condition ko. Hindi ko naman na pinilit kasi kilala ko rin naman 'yung sarili ko, although pwede naman daw akong maghanap ng hobby na baka pwede ring maging source of income.

Mom chuckled, "Ay nako bata ka talaga. Minsan ka lang namin i-spoil, worth it naman 'yung apartment since pwede mo namang magamit 'yan hanggang 4th year."

at long last, peaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon