Lesbian?
Gay?
Bisexual?
Transgender?
Kahit ano pang tawag diyan, tao din sila na nakakaramdam ng saya at lungkot, tao na tulad mo humihinga at nabubuhay sa mundo...Muni't ang pagkilala niyo sakanila ay di maka-tao.
Kilos at pananamit na ba ang basehan ngayon para tawaging salot?
Bakla at tomboy yan ang pagkilala niyo sakanila muni't yan lang ang alam niyo mula sa umpisa, ang panghuhusga ay siyang nanguna at Ang sigaw na salot sa lipunan ay syang pinakawalan.
Pero humarap na ba kayo sa salamin at nag tanong sa sariling... sila nga ba talaga ang salot sa lipunan?
Sila na walang ginawa kung di magpakatotoo sa sarili muni't panghuhusga ang nakuha sa mga taong tila ba'y diyos kung magbitaw ng salita.
Sapak ang nakuha sa haligi ng tahanan dahil hindi siya tanggap at ang salitang binitawan ay "WALA AKONG ANAK NA BAKLA!" na nasundan pa ng sampal nang ilaw ng tahanan at ang saad ay "WALA KAMING ANAK NA SALOT SA LIPUNAN!"
Nakakaawa hindi ba?, Muni't ako mismo ang magsasabing hindi nila kailangan ng awa dahil ang kailangan nila ay suporta at pagmamahal mula sa kapwa.
Kalayaan mula sa panghuhusga at panlalait lang naman ang gusto nila muni't bakit di ito maibigay ng sanlibutan.
Bakit kailangang pahirapan pa sila?...
Bakit kailangang saktan pa sila kung maaari namang hayaan nalang silang dumaan sa daan kung saan walang maduduming salita ang binibitawan.Ang panghuhusga at panlalait ay siyang salot sa lipunan at hindi ang mga taong nagpapakatotoo lamang.
Respeto sa kapwa ang unahin at hindi ang panghuhusga sa kapwang kasarian lang ang alam at hindi ang buong pagkataong nilalaman.
Respeto ang kailangan ng tao kaya kung gusto mo nito simulan mo na sa sarili mo.
At ang Bahagharing bandera ay karapat-dapat ding iwagayway.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...