#9-Saranggola

321 7 0
                                    

Mahal, Naaalala mo pa ba nung tayo'y nasa bukiran at nagpapalipad ng Saranggolang Sing kulay ng Bahaghari, na kung saan ang pagmamahalan natin ang naghahari.

Naaalala mo pa ba yung mga araw na ang ngiti natin ay makulay, sing kulay ng saranggolang, ikaw at Ako Ang lumikha, Pero Napakasama ng Tadhana dahil hindi tayo ang itinakda Dahil Sa pag bagsak ng saranggola kasaba'y nun ang pagbagsak ng pagmamahalang Tingin natin ay walang hanggan, Pero Eto nakamit parin natin ang katapusan, Katapusang akala natin ay di matatagpuan.

Katapusang akala ko sa nobela at teleserye lang matatagpuan.

Kumaliwa ka at ako'y kumanan, Tinahak na natin ang magkabilang landas sinta at sa paglipas ng oras at ng buwan muli kitang tinignan.

Ngiti ang sumilay saking labi dahil nakita ulit kitang ngumiti, Nagagalak ang puso ko na makita kang muli, At tulad ng
nakasanayan Nagpapalipad ka ng saranggola muni't hindi na ako ang iyong kasama.

Nakakapanghinayang, na lahat ng pangako natin ay napako, Pangarap natin ay tinupad mona pala sakanya, Pero huwag kang mag-alala suporta ko'y hawak nyo'ng dalawa.

Araw-Araw ko kayong ipagdadasal kay bathala nasana'y huwag bumagsak ang saranggolang inyong nilikha, Maging masaya lang kayo Masaya narin ako.

Cge na...

Tama na, Lilisanin kona ang mundo nyo baka ako'y nakakaabala na, Sa Tingin ko Oras na para tumungo sa bago kong Saranggola, Saranggolang papaliparin ko kasama ang iba.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon