#23 Kadabar

109 1 0
                                    

•Sa larangan ng pakikipag talastasan
Palawakan ng isipan,
Makakapagbigay ng panibagong kaalaman
Ibat ibang pamilya ang maglalaban laban, Ako si Rafia Mula sa pamilya ng Buwan, Hindi Ako kagalingan tulad ng iba diyan Pero ipagtatangol ko ang titulo na ito, hindi tulad nya na hindi kaman lang pinagtanggol ng husto.

•Eto ang titulong pinamagatan kong Kadabar at kung iyong uunahin basahin mula sa huli ay magiging Barkada.

•BARKADA Pitong Letra pero matatag at masaya, hindi lang ito makikita sa kaklase o kababata dahil ito'y makikita pati nadin sa pamilya, pwede ka'y Ate kuya, Nanay tatay, o dikaya kay tito at tita lalong-lalo na kay lolo at lola.

•Maraming klase ng Barkada Pero Solid yung akin kasi sila'y di tulad ng iba.

•Buwan ng Agosto ng kami ay magkakilala, ako'y nabigla dahil hindi ko inaakala na makakatagpo ako ng tulad nila.

•Pero sa awa ng Diyos ibinigay niya ang klaseng Barkada na ito na dadamayan ako sa saya't kalungkutan o kahit sa depresyon man yan.

•Barkadang magiging gabay ko mula sa kaligayahan, na kahit sila'y siraulo atleast totoo sila hindi tulad ng iba dyan na plastik makisama.

•Meron naman akong klase ng barkada na kahit saang gyera sila'y laging kasama kahit pa wala kaming dala-dalang sandata.

•Hindi sila yung tipong barkada na akala mo sinusuportahan ka pero sinasaksak kana pala sa iyong likuran.

•Nakangiti sa iyong harapan, pero pag nakatalikod kana ayun naging demonyo na, at pinagkakalat ang sikretong sinabi mo sakanila.

•Muni't pasensya na, hindi ganyan ang aking barkada dahil ito ang barkadang pag nadapa ka pagtatawanan ka muna bago ka tulungan, at tatanungin kung ilang isda o palaka ang iyong nahuli.

•kalokohan ang ngunguna saming mag babarkada pero wala akong magagawa dito kami masaya.

•Meron naman akong klase ng barkada na pag silip palang sa kalupi alam monang isang bilog na pilak lamang ang laman nito, yung tipong kahit di kilala ang nakaka salubong humihingi ng limang piso.

•At nagpapasalamat naman ako sa barkada kong magaling sa Paksa ng matematika hindi ako papasa kung wala ka.

•Mahal ko ang mga barkada kong gago kaya ikaw na sira ulo kung balak mong gumawa ng gyera sa aming grupo ihanda mo na ang mga tatahol mong aso dahil lalaban kami ng puro at walang matatawag na abuso.

•dahil ang aking barkada ay mahahalimbawa sa bagong kotse na di ko hahayaan magasgasan ng walang permiso't pahintulot ko.

•Muli ako si rafia isa sa magiging kilabot na makata, Hindi man ako manalo pero pangako sa pamilya ko ibibigay ko lahat ng kaya ko, ibibigay ko lahat ng kakayahan ko, talento, at isa sa magiging makatang kampionado. Maraming salamat po

~~~~~

(Spoken Poetry Contest On litmatch Elimination)



Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon