Ang daming mapang-husga sa mundo sa sobrang dami hindi mona alam kung sino-sino.Pag-mayaman ka tatangapin ka ng buo at walang halong pagdududa basta bigyan mo lang sila ng grasya pasado kana sakanila.
Pero pag mahirap ka..kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok,isa na dun ang panlalait,pang-aabuso ng kakayahan mo,tama aabusuhin ka nila dahil wala kang sustentong maiibigay sa kagustuhan nila.
Pera ang nangunguna..Pera ang kailangan...Kaya pag wala kang pera talo ka .. At higit sa lahat hindi ka nila kakailangan.
Bakit ganyan ang mga tao? bakit di sila makuntento kung ano sila at kung ano ang meron sila.
Walang masama kung maging mahirap ka atleast totoo ka,hindi yung mayaman ka nga ang lakas mopang magyabang hindi ko nilalahat pero karamihan ay ganon.
Gaano ka man kayaman kung mayabang kanaman ay wala kang patutunguhan.
Okay lang mangarap ng mangarap hanggang sa iyong makamtan atleast lumaki Ka sa hirap at pag ikaw ay yumaman hindi ka Magiging mayabang .
dahil kahit mayaman kaman o mahirap pag dumating si kamatayan parehas lang tayo ng hihigaan mas mahal nga lang ang sainyo pero sa lupa padin ang bagsak nyo.
kaya hahanhin mo ang yaman kung sa iyong paglisan hindi mona to papakinabangan.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...