Nakakasakal na...
Nakakasawa na, ni ultimong mahal kita ay di kona nadarama.Ayoko na, Bibitaw na ko kaya sana pakawalan mo na ako.
Tama na, ayoko na, parang-awa mona, ilang beses na pag-mamakaawa ba ang kailangan mo upang kitilin ang lubid na naka gapos sa buong pagkatao ko.
Minahal kita dahil akala ko hindi tayo hahantong sa ganito.
Minahal kita dahil nangako ka na magiging masaya ako mula sayo, minahal kita muni't ang pangako mo sa una ko lang nakita't nadama.
Dahil para kang bubble gum na masarap sa nguyain sa umpisa muni't kailangan ng iluwa dahil wala ng lasa.
Kaya tigilan na natin ang laro,
Tama laro, isa nalamang itong laro dahil hindi na ito matatawag na pagmamahalan kung meron ng nasasakal.Kaya ayoko na, tama na suko na ko mula sa relasyong pinapalibutan ng lason.
Bitaw na at ako'y lilisan na.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...