"SALOT SA LIPUNAN?"
•Babae,Lalaki, Lesbiyana, Bisexual,Transgender at Cross-dressers.
•Sila lang naman ang tinaguriang SALOT SA LIPUNAN, hinusgahan ng mga PERPEKTONG nilalang na kung saan mas malakas pa ang tahol nila sa ASONG ULOL, na kahit wala naman silang abono sa iyong PAGKATAO kung makapag husga sila puro ABUSO at NEGATIBO.
•"SALOT SA LIPUNAN" popular na linya ng mga PERPEKTONG nilalang na tila ba'y kung makapanghusga sila ay parang hindi tao ang kanilang hinuhusgahan.
•Muni't teka bibigyan ko kayo ng konting kaalaman.
•LESBIYANA,BISEXUAL,TRANSGENDER AT CROSS-DRESSERS, tao rin sila na tulad mo kumakain ng tatlong beses sa isang araw, datapwat ang pagkilala nyo sakanila ay hindi makatarungan.
•KILOS at PANANAMIT na ba ang basehan ngayon para tawaging SALOT SA LIPUNANG ATING SINILANGAN?!
•BAKLA at TOMBOY yan ang pagkilala nyo sakanila muni't yan lang ang alam nyo mula sa umpisa, ANG PANGHUHUSGA ay syang NANGUNA at Ang SIGAW NA SALOT SA LIPUNAN ay siyang PINAKAWALAN.
•Ni ultimong BABAE at LALAKI ay HINUHUSGAHAN NA PORKE MAPUTI DAW, EH NAG PA GLUTA NA, PUMOGI LANG NAGPARETOKE NA, AT PAG NAKA-MAIKLING SHORT AY POKPOK NA, AT WALA DAW SIYANG RESPETO SA SARILI NYA. NAKITA KA LANG NASA LABAS LAKWATSERA KANA.
•Gustuhin man natin o hindi, NA KAHIT GAANO TAYO KASARADO huhusgahan parin tayo ng mga PERPEKTONG TAO.
•Mr. at Ms. , binibini o ginoo may tanong ako sainyo, isa karin ba sa mga PERPEKTONG TAONG tinutukoy ko? At kung sapalagay mo ay OO ang sagot mo PWES PAKYU SAYO, TANGINA MO! Bumalik kana sa SINAPUPUNAN NG NANAY MO dahil sinasabi ko sayo hindi kailangan ng mundo ng isang taong tulad mo.
•RESPETO ANG KAILANGAN NG TAO kaya kung gusto mo nito umpisahan mo sa sarili mo.
•At ang BAHAGHARING BANDERA ay saludo kong iwawagayway.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...