•Hi! Ako nga pala si Rafia isang makata't manunulat at laging puyat ng dahil sa aplikasyong wattpad, at ang pamagat ng aking piyesa ay fictophilia.•Lagi akong tinatanong ng mga mambabasa, kung kailan bako susulat ng panibagong kabanata sa istoryang pinamagatan kong fictophilia at ang sagot ko naman sakanila ay baka bukas, sa susunod na linggo, o di kaya'y sa susunod na taon, hahaha biro lang, basta pag sinapian ako ng kasipagan asahan nyo ang panibagobg kabanatang aking isusulat.
• Sya nga pala, Meron akong Boyfriend at ang pangalan nya ay nikko, medyo suplado pero seryoso at Romantiko.
• Nag kakilala kami sa aplikasyong wattpad at tinutulungan Niya kong magsulat sa istoryang fictophilia, na kung Saan si Nikko at Rafia Ang bida.
•Tama, kami ang bida sa istoryang ako mismo ang may akda at kung tatanungin nyo ko kung ano ang kinakatakutan ko, ang isasagot ko ay ang pagtatapos nito.
•Isa,Dalawa,Tatlo sambay tayong nagtago sa ilalim ng puno at nag habol-Habulan sa lugar na itinuring natin paraiso.
•At shempre hindi mawawala yung mga araw na kumakaripas ako ng takbo para lang mahabol natin ang paglubog ng araw. At shempre ang pagdating ng buwan kasama ang mga bituin na para bang sinasabayan tayo sa paglalakad patungo sa tagpuan.
•Mahal kita, Mahal na Mahal kita salitang sinabi mo na nagpatibok ng mabilis saking puso na tila ba ako'y nanalo sa loto, at ikaw at ang mahal kita ang premyo
•Maraming akala-akala ang nabuo na kasama ka ginoo. At hindi ko nga namalayan na sa paglipas ng siklo dumating sa puntong kailangan ko nang tapusin ang kwento.
•Pighati,hinagpis,sakit,pagtangis hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng sabihin mo sakin ang katagang "maghiwalay na tayo, tapusin na natin to, tapusin na natin ang kwento.
•Pilit na nakipag-usap,nagmakaawa na wag nya kong iwan muni't napatigil ako ng sabihin niyang.
•Gumising kana Rafia!, Gumising kana sa katotohanang nag mahal ka ng taong gawa lamang ng sarili mong isipan, nag mahal ka ng taong nagmula sa sarili mong kwento.
•Rafia, Minahal moko kahit hindi ako totoo, Na ang ikaw at ako ay di matatawag na tayo dahil ikaw ay isinilang sa mundo at ako? Mula lang ako sa libro at hindi magiging totoo,
at ngayon mahal ko kailangan mo na akong bitawan...pakawalan at wakasan ang pagmamahalang walang katotohanan.•Mahal ipangako mo na kahit limot na ko ng iyong isipan nandiyan parin ako sa puso mo na nagpapaalala na ako ito si Nikko ang taong napagkaitang maisilang sa mundo nguni't nangngakong mamahalin ka hanggang dulo.
•At sa pagpatak ng oras na Alas diyes, Singkwenta'y Kuwatro ng gabi, gusto kong iparating sainyo na naisalang ko na ang huling pahina ng kwento, kwentong pinamagatan kong fictophilia na ang kahulugan ay pagmamahal sa isang taong hindi totoo o di kaya'y nanggaling sa libro't kwento.
•Halimbawa na dito ang pagmamahal ko kay Nikko, isang karakter sa aking kwento na mamahalin ko hanggang dulo.
•Muli ako si Rafia isang makata't manunulat na nag iiwan ng katagang, Kung masakit na ang maloko at saktan ng taong mahal mo sa tingin ko mas masakit ang mag mahal ng taong hindi naman totoo, kaya kung naiyak ka sa huling kabanata ng kwento pano pa kaya ang sumulat nito.
~~~~~~~
Spoken Poetry [Litmatch Competition]
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...