Kilalang ,Palangiti,Palatawa,masiyahin Muni't ako na mismo ang mag-sasabing Hindi yan Totoo, Hindi yan ako, Isa lamang syang pekeng Ako.
Tila ba'y nagulat kayo dahil ang mga saya't biro ko ay di totoo at kagagawan nito ay ang Pekeng Ako na hinayaan nyong linlangin kayo.
Muni't Paano, Kailan, Bakit at saan nag simula ang pag labas ng pekeng Ako, Alam kong isang tanong iyan sa Inyong isipan, At Eto na nga at aking tatalakayin.
Lungkot,luha at problema, Tatlong kasangkapan na maaaring ika durog o ika bagsak ng isang tao at bago Mawala sa aking isipan gusto kong sabihin Sainyo na yan ang totoong ako, Totoong ako na ipinagkait kong masilayan niyo.
Malungkot at Negatibong tao ako, kaya sino ba namang tao ang mag tatagal kung ganyan ang pinapakita kong Pananaw hindi ba?.
Sino ba naman tao ang magtitiis kung araw-araw ay lungkot at problema nalang ang kinukwento, Wala Hindi ba?.
Kaya Eto ako,Gumawa ng pekeng ako, Pekeng Ako na nakikihalubilo sa mga tao.
Lungkot,Luha,Problema,Depresyon yan ang mga bagay na sinarili ko magampanan ko lang ang PEKENG AKO.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...