Long distance Relationship, tatlong salita binubuo ng dalawampu't apat na letra, pero kaya ba nitong mag tagal?
Magmula ka sa timog silangan at ako'y mula sa kanluran at ang ating komunikasyon ay sa telepono lamang.
Ganyan kahirap ang ating ugnayan, pero pinili paring lumaban para sa relasyong ating nasimulan .
Mahal kamusta ka dyan? Mahal kumain kana ba? Mahal mag ingat ka dyan, Mahal...Mahal na Mahal kita .
Yan ang mga katagang laging sinasabi mag mula sa telepono'ng tanging nag uugnay para kamustahin ang isa't isa , telepono'ng nag uugnay mula sa salitang mahal kita .
Mahal kita at Mahal moko tayo'y nag mamahalan pero mahirap mag paka positibo lalo na kung tayo'y magkabilang mundo.
sa aking hapunan ay iyong umagahan na sa aking pag tulog ay iyong pag gising pero sana sa aking pag bitaw ay wag kang lumisan...mahal hindi kita bibitawan lalo na kung wala namang rason para bumitaw .
Hihintayin kopa ang pagkikita natin mahal, na kung saan ang pag sabi ng mahal kita ay harapan , ang halikan at yakapan ay maipaparamdam.
at ang ikaw at ako ang tayo ay mapasa walang hanggan .
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...