Maraming Klaseng Alipin Pero ang tatalakayin natin, Ay Ang alipin tungkol sa pagmamahalang mahirap abutin.
Naranasan mo na bang magmahal?..
Tingin ko Oo, Lahat ng tao naranasan na ang iba't ibang klase ng pagmamahal Muni't naranasan mo na bang magmahal na ang distansiya ay Langit at lupa na kung saan ikaw ang lupa at pinipilit mong abutin ang kalangitan kahit na walang kasiguraduhan.
Pumailalim ka sa Pagiging Alipin Dahil nagbabakasakali ka na kaya mo syang abutin.
Pero kaya ba talaga, kung mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi mo sya mahagkan.
Kaya Mo Ba talagang maging Alipin mula sa pagmamahalang mahirap hingin.
Tadhana na ang nagsasabi na hindi kayo para sa isa't isa bakit pinipilit mo pa.
Sumuko kana, Hindi mo sya makukuha lalo na kung hawak sya ng tadhana.
Tama na ang pagiging Alipin sa pagiibigan na malabong masimulan .
Tadhana na ang gumawa ng kapalaran nyo kaya Suko na At tangapin na hindi kayo para sa isa't isa...Kaya bitawan mo na sya at lisanin ang pagiging alipin dahil malabo mo syang maaangkin.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...