#4-Matalik na kaibigan

700 11 0
                                    

      

Kamusta?, kumain kana ba?, Matulog kana Oras na.

Yan ang mga salitang gusto kong sabihin sayo, tuwing ikaw ay kinakausap ako, pero kailangan kong mag pigil dahil para rin naman ito sa sarili ko, Kailangang mag pigil dahil para naman ito sa ikakabuti ng puso ko.

Pasensya na kaibigan kung minahal kita ng higit pa sa pagkakaybigan, Pasensya na kung di ko napigilan ang puso ko na umibig sa tulad mong hindi naman ako iniibig  At kailan man, hindi ako iibigin dahil sabi mo nga mahal mo ko pero hanggang mag kaibigan lang talaga..

Masakit, Masakit para saakin na tipirin ang pakikipag usap sayo lalo na kung hindi naman ako sanay sa trato na yun, pero kailangan eh..

kailangannn..

Nung araw na may nagsabi sakin na may binibini kanang iniibig tila ba'y mundo ko ay nawasak pero pinili ko parin na wag ito paniwalaan dahil sayo lang ako maniniwala, sayo lang maniniwala itong pusong ayaw kumawala sayo...

Pero totoo nga, Meron na nga..

At ng araw nayun pinili ko na wag kanalang kausapin pa,Wag kanang kulitin pa, pero pag may problema ka andito lang ako at papakingan ka ..

Nasaktan ako pero ano ba naman ang karapatan ko isa lang naman akong dakilang matalik na kaibigan mo.. At sa oras na yun mas pinili kong wag kanalang kausapin pa, mas pinili kong ialay mo lahat ng oras mo sakanya..

Mahalin mo sya, at pag pinili nyang umalis pigilan mo sya,wag na wag mo syang hahayaan na umalis.. dahil ayaw kitang makitang nasasaktan muli ..

At Ang tangi ko lang hiling ay ang kaligayahan mo MATALIK KONG KAIBIGAN..

At sana sa oras na magkita tayo muli ay kaya na kitang tignan mula sa mata na ang pag tingin nalang sayo ay MATALIK NA KAIBIGAN..

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon