Sumula't ako gamit ang tintang itim muni't sa pag sulat ko ako'y nagkamali, iniabot mo sa akin ang isang bagay na makakapagbura nito, tinangap ko ito at binura ang tintang itim sa pag-aakalang ma-iaalis ko ito.Muni't Hindi ito naalis bagkus ay tinakpan lang ito ng puting mahika kung saan hindi na ito makikita ng iba.
Hindi muna makikita ang nakaukit nguni't nag iwan parin ito ng marka, marka kung saan malalaman mong ika'y nagkamali at nauwi sa isang bagay na akala mo ay papawi sa iyong naturang pagkakamali.
Akala ng iba ang pagkakamali ay nabubura, muni't nagising ako sa akalang iyon ng maranasan ko ring magkamali at pilit burahin ito, at ngayon napatunayang kong hindi ito nabubura bagkus ay natatakpan lang ito.
hindi na ito makikita ng iba muni't para sakin ay magsisilbi itong ala-ala.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...