Long distance Relationship, tatlong salita binubuo ng dalawampu't apat na letra, pero kaya ba nitong mag tagal?
Magmula ka sa timog silangan at ako'y mula sa kanluran at ang ating komunikasyon ay sa telepono lamang.
Mahal kamusta ka diyan?...Mahal kumain kana ba?..mag ingat ka diyan hah?...Mahal..Mahal na Mahal kita..
Yan ang mga katagang laging sinasabi mag-mula sa telepono'ng nag-uugnay para kamustahin ang isa't-isa telepono'ng nag-uugnay Mula sa salitang Mahal kita..
Mahal kita at Mahal moko tayo'y nag-mamahalan muni't mahirap magpaka-positibo lalo na kung tayo'y magkabilang mundo..
Taong dalawang Libo't dalawang pu't isang buwan ng pebrero bente singko..lumuwas ako patungo sayo..
Salitang Mahal kita ay masasabi na ng harapan..
Pero hindi ko pinaalam na malapit nako sa iyong harapan.
Dahil...
Dahil gusto kitang surpresahan kaya pagpihit ko ng pinto kasabay nun ang paghinga ko ng malalim..
Muni't tila bagyo ata ang aking pagdating...dahil akala ko masusupresa ka muni't ako pala ang nasupresa ng makita kang may kasama ng iba...
Kaya ako eto umuwing luhaan at nasasaktan muni't wala na kong magagawa kung hindi ipaubaya kanalang sakanya..
____________________
UNSPOKEN POETRY
COLLABORATION OF RAFIA_14 & seeindark_25YT Channel: Angelica Fourteen
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...