Eto na, Dumating na, Dumating na ang araw na pinakahihintay ko,Ang araw ng bagong ako, ang bagong ako na hindi mo na masasaktan dahil bago na ito.
bagong ako na di na marupok , di na marupok tulad ng sa'ng katauha'ng marurupok .
yung puso ko na dati ay sing lambot ng mamon ay ngayon sing tigas na ng bato,Batong hindi na magbabago , kahit ikaw, kahit ikaw pa na minahal ko ay di nato mababago.
dahil tulad nga ng sabi ko Eto na ang bagong ako, bagong ako na hindi na babalik sa dating ako.
Eto nako, ang taong pinaasa mo ng todo, ang taong minahal ko ng todo , pero binago mo ng higit pa sa todo.
Minsan naisip ko na para palang sigarilyo ang pagmamahal ko sayo, kasi bakit pa naimbento kung sakit lang naman ang dulot nito.
sana'y nahulog nalang ako sa kanal, at hindi sayo'ng tulad mong taong makapal .
Minahal kita at Minahal mo ko na may kasamang panloloko .
panlolokong gusto mong ipanalo pero hindi ko hahayaan na ika'y manalo lalo na kung ako'y bago .
Natalo ka at nanalo ako , nanalo ako dahil eto na ang bagong ako .
At lagi mong tatandaan na kahit saan mang laban yan, kung ang panig mo ay panloloko ay di ka mananalo, lalo na kung ang iyong kalaban ay bagong tao.
Bagong ako.
(ℙ𝕝𝕒𝕘𝕚𝕒𝕣𝕚𝕤𝕞 𝕚𝕤 𝕒 𝕔𝕣𝕚𝕞𝕖!!)
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...