Torpe, yan ang mga taong takot mag sabi ng pag-tingin, puno ng pangamba ang kanilang damdamin at dahil torpe sila lagi silang nauunahan, nauunahan ng mga taong nakaabang, taong nakaabang at handang magsabi ng nararamdaman, pero ikaw isang oras, isang linggo,isang buwan ng nakaabang pero di parin masabi ang nararamdaman.
TORPE, yan kanalang ba habang buhay?
Magiging mahina , mamahalin sya mula sa malayo , at mauunahan ng iba yan nalang ang nangyayari hindi ka paba nagsasawa?
Hahayaan mo nalang ba siyang napupunta sa iba?
pwede bang itigil mo na ang katorpehan at pairalin mo nalang ang katapangan, magtapat ka ng nararamdaman Hindi yung Hanggang kaibigan nalamang .
Maging matatagka at wag matakot sa ano mang resulta .
Tigilan mo ang pagiging torpe,Dahil ang katorpehan ay hindi yan sandigan sa nararamdaman.
KA-TORPE-HAN yan lang ang magdadala sa taong minamahal mo patungo sa iba.
Dahil Una sa lahat Hindi nya kailangan ng Torpeng tulad mo.
Inuulit ko at sana sa kahulihulian ng aking sasabihin ay ako'y iyo ng papakingin.
" HINDI NYA KAILANGAN NG TORPE "
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...