Ang saya balikan ng mga ala-ala mga alaalang mapapasabi kana lang na Sana'y Di Nalang kita nakilala.
Sana'y di nalang kita nakilala kung sa huli ay sasaktan mo din pala ako ng sobra, kung sa huli ay paiiyakin mo din ako, kung sa huli ay iiwan mo rin pala ako at sa huli mag tatapos ang ating kwento sa paalam sayo.
Pinag handaan ko naman ang araw na iyon, gumawa naman ako ng harang upang hindi mo ko masaktan...upang hindi ako maaaktan.
Muni't nung dumating ang araw na iyon lahat ng pinag handaan ko ay nawala, at nakakatuwang isipin na ang pagkawala ng mga iyon ay kasabay ng pagkawala mo.
Kaya hihilingin ko sa pangalawang pagkakataon kung pag tatagpuin man tayo ng tadhana ako na ang kakaliwa hindi ko na hahayaan na makilala kapa, para sa huli hindi kona masabi ang mga katagang Sana'y di nalang kita nakasama..
Sana'y Di nalang kita nakilala..
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...