Ano nga ba ang M.U?
Ang M.U ay isang "MALABONG USAPAN" na kung saan alam niyong may pag tingin kayo sa Isa't- isa , ginagawa nyo ang mga bagay na pawang pang relasyon lamang
Nag yayakapan at nag aaylabyuhan, pero tanong ng sambayanan "MAY KAYO BA?" at dun mo nalaman na wala ka palang karapatan.
wala kang karapatan mag-selos , wala kang karapatan ang kinin sya at higit sa lahat wala kang karapatan sakanya.
tila ba napakahirap humantong sa MALABONG USAPAN hindi ba?
Na sa bawat oras na lumilipas may posibilidad na humanap sya ng iba , iba na mas mag papasaya sakanya , iba na mas bibigyan nya ng halaga at ikaw uuwi kang luhaan at nagdurusa .
Hindi mo sya pwedeng pigilang humanap ng iba dahil sabi ko nga wala kang karapatan, nasa estasyon lang kayo ng malabong usapan na kung saan lahat ng pangyayari ay malabo at walang kasiguraduhan , Malabo, sing labo ng mata mo dahil pinili mo ang estado na kay labo sa sobrang labo pati mata mo apektado.
kung usapan mo nyo ay malabo ay wag kanang mag taka dahil sabi ko nga ang kahulugan ng M.U ay malabong usapan , kaya bakit kapa mag tataka kung malabo ang usapan nyo , hindi paba sapat ang kahulugan ng M.U?
Nakasalamin ka pero bakit pinili mo parin ang relasyon na kay labo , kulang paba yang grado ng salamin mo, para piliin ng paulit-ulit ang relasyon na malabo .
usapan nyo nga ay malabo pano pa kaya yung salitang KAYO.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...