-Iba muna bago ako , pwede ba nating baliktarin yan? , pwede bang ako muna bago iba?
pwede ba na ako muna ang tanungin mo ng nararamdaman bago ang nararamdaman ng iba, pwede bang ako muna ang tanungin mo kung okay lang ba ako , at sasagutin kita na mag ngiting okay lang , kahit ang totoo ang sakit-sakit na.
sakit na pinili kong itago pag ika'y kasama , sakit na hindi mo malalaman dahil may mahikang nakasanayan , mahikang tinatawag na ngiti-ngiti lang kahit ang sakit-sakit na sa katunayan, katunayang IBA MUNA BAGO AKO.
Pasensya na kung minsan Nagagalit ako ng di mo alam ang dahilan, dahil diko masabi ang dahilan, dahilan na sinasaktan moko ng wala kang alam.
sabi ng aking kaibigan napaka tanga ko at aaminin kong totoo ito.
T-otoo
A-kong
N-agmamahal sayo
G-aano man kasakit iyo
A-ay titiisin kodahil sabi nga ang pag-ibig hindi lang basta emosyon na nararamdaman kundi isang desisyon na dapat panindugan.
kaya ko toh! kakayanin natin toh!
Dadalhin ko ang salitang Tayo papunta sa dulo para sa huli may salitang TAYO HANGGANG DULO.
Pasensya na kung buwan buwan tayo'y nagkakahiwalay dahil kasalanan mo rin naman hindi ba , inuuna mo kasia ng iba bago ako .
pero MARUPOK ako dahil di pa nakakalipas ang isang linggo tayo na ulit dahil marupok ako na konting suyo bumibigay na, mga pangakong iyong binitawan at ako agad ko tong kinapitan.
Dahil ganon kita kamahal na kahit ang sakit-sakit na nakahit nakakapagod na hindi parin kita iiwan , dahil ng dumating ka sayo na umikot ang mundo ko sa katunayan, katunayan na sana balang araw AKO MUNA BAGO ANG IBA.
(ℙ𝕝𝕒𝕘𝕚𝕒𝕣𝕚𝕤𝕞 𝕚𝕤 𝕒 𝕔𝕣𝕚𝕞𝕖!!)
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryAno nga ba ang Spoken Word Poetry? Isa itong pagsasalaysay o di kaya'y tula kung saan kailangan mong gumawa ng kwento at gumamit ng mga salitang tugma o di kaya'y gawing malaya. At kung interesado kang mabasa o alamin ang nilalaman nito ay di ka...